Quantcast
Channel: Magsasaka – Pinoy Weekly
Viewing all 99 articles
Browse latest View live

Ipamahagi na ang lupa sa Hacienda Luisita – Korte Suprema

$
0
0
Piket ng mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita sa harap ng tanggapan ng Korte Suprema sa Baguio City. Nagdesisyon ng korte na pinal na ipamahagi sa mga manggagawang bukid ang asyendang inaangkin ng pamilya ni Pangulong Aquino. Pero itinakda naman nila ang kompensasyon sa pamilyang Cojuangco sa 1989 na halaga ng naturang asyenda. (J.A. Santos)

Piket ng mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita sa harap ng tanggapan ng Korte Suprema sa Baguio City. Nagdesisyon ng korte na pinal na ipamahagi sa mga manggagawang bukid ang asyendang inaangkin ng pamilya ni Pangulong Aquino. Pero itinakda naman nila ang kompensasyon sa pamilyang Cojuangco sa 1989 na halaga ng naturang asyenda. (Jo A. Santos)

Kinatigan ng Korte Suprema ang nauna na nitong desisyon noong Nobyembre 2011 na ipamahagi ang lupa sa Hacienda Luisita, Tarlac.

“Nandito na ang tagumpay para sa libu-libong magsasaka…pero noon pa dapat itong total land distribution,” ani Lito Bais ng United Luisita Workers Union (ULWU).

Ang desisyon ng Korte Suprema ay malaking legal na tagumpay para sa mga manggagawang bukid,” sabi ni Jobert Pahilga, abogado ng ULWU at Alyansa ng Magbubukid sa Asyenda Luisita (Ambala), at executive director ng Sentro para sa Tunay na Repormang Agraryo (Sentra). “Sa desisyong ito, wala nang legal na hadlang sa pamamahagi ng lupa.”

Matatandaang noong Nobyembre 2011, sinang-ayunan ng lahat ng hukom ng Korte Suprema ang pamamahagi nang 4,915.75 ektarya ng lupa sa 6, 296 magsasaka at manggagawang bukid. Sang-ayon ito sa Presidential Agrarian Reform Council (PARC) order noon pang Disyembre 2005.

Pero nagsumite ng motion for reconsideration ang Hacienda Luisita Inc., kaya muling naghintay ang mga manggagawang bukid ng limang buwan bago ipinal ng Korte Suprema ang desisyon na pamamahagi.

“Ito ay bunga ng tuloy-tuloy na pakikibaka,” dagdag ni Bais.

Bukod sa pamamahagi ng lupain ng asyendang inangkin ng pamilyang Cojuangco-Aquino mula pa noong 1968, nanawagan ang ULWU at Ambala na libre nang ipamahagi ito sa kanila.

Sa botohang 8-6, kinatigan ng kataas-taasang hukuman ang dating desisyon na pagtakda ng kompensasyon sa pamilyang Cojuangco-Aquino sa halaga ng asyenda noong 1989. Noong taong iyon, nasa P40,000 kada ektarya ang halaga ng asyenda, o P196.6-Milyon sa buo.

Humihingi ang pamilyang Cojuangco-Aquino ng P1-Bilyon bilang kompensasyon sa asyenda.

“Kahit na ang tindig namin ay dapat hindi na mabigyang kompensasyon ang pamilyang Cojuangco, masaya pa rin ang Sentra sa desisyon ng korte,” sabi pa ni Pahilga.

Ayon sa Department of Agrarian Reform, malamang na abutin “mula anim hanggang 12 buwan” bago maipamahagi ang Luisita sa mga manggagawang-bukid na benepisyaryo.

Pero ayon sa Ambala, magsisimula na umano bukas (Abril 24) ang mga magsasaka sa pagbubungkal ng lupa sa asyenda.

Matagal ng ipinaglalaban ng mga magsasaka at manggagawang bukid ang lupa sa Hacienda Luisita. Noong 2004, isang masaker ang kumitil sa buhay ng pitong magsasaka habang iginigiit nila ang karapatan sa tamang pasahod, at karapatan sa lupa.

“Hindi nasayang ang pagbuwis ng buhay para sa tagumpay na ito,” ani Willy Marbella, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

May ulat si Joan Cordero


Pagtatanggol sa lupa at buhay sa Abra

$
0
0
Pagsayaw ng pattong: Pagpapatuloy ng kultura at pakikibaka ng mga katutubo sa Kordilyera. (Soliman A. Santos)

Pagsayaw ng pattong: Pagpapatuloy ng kultura at pakikibaka ng mga katutubo sa Kordilyera. (Soliman A. Santos)

“Itinatanong ninyo sa amin kung pag-aari namin ang lupa. At kinukutya kami, ‘Nasaan ang inyong titulo?’ Kahambugan ang pag-angkin sa lupa, sapagkat tayo ang pag-aari ng lupa. Paano natin aariin ang isang bagay na mananatiling nariyan kahit tayo’y wala na?

Ito ang minsang sinabi ni Macliing Dulag, isang pangat o lider ng tribu sa Kalinga, sa kanilang pakikibaka para sa lupaing ninuno na nais tayuan ng dam ng diktadurang Marcos noong dekada ’80. Dahil sa matigas na paninidigan, pinaslang siya noong gabi ng Abril 24, 1980. Ngunit ang pagkamatay niya ay lalong nagbigkis sa mga taga-Kordilyera para ipagtanggol ang kanilang karapatan sa lupaing ninuno. Sa tuwing sasapit ang petsang ito ipinagdiriwang nila ang Araw ng Kordilyera bilang paggunita sa kanya at sa kanilang pakikibaka.

Tatlumpu’t dalawang taon na ang nakakaraan, umaalingawngaw pa rin sa kabundukan ng Kordilyera ang kanyang sinabi sapagkat sa mga nakaraang taon, nananatiling may banta pa rin ng pag-angkin at pagwasak sa buhay at kultura ng mga katutubo.

Sa Abra, isa sa mga lalawigang bahagi ng Kordilyera, tuloy ang paglaban ng mga katutubong mamamayan sa panganib ng pang-aangkin. Malawak ang kanilang oposisyon sa pagmimina, ang pangunahing banta sa kanilang lupa at buhay.

Buhay sa Abra

Pagtatanim ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga-Abra. Kahit nasa kabundukan may sariling sistema ng irigasyon ang mga katutubo na sumasapat sa kanilang pangangailangan sa tubig. Nasa kabundukan ang tubig na kanilang iniinom, ginagamit sa pang-araw-araw at patubig para sa kanilang mga tanim.

Sa pamamagitan ng mga pagtitipon at pagkilos, naipapamana ng mga nakakatandang katutubo ang kanilang kultura at paglaban sa susunod na salinlahi. (Soliman A. Santos)

Sa pamamagitan ng mga pagtitipon at pagkilos, naipapamana ng mga nakakatandang katutubo ang kanilang kultura at paglaban sa susunod na salinlahi. (Soliman A. Santos)

Bukod sa pagtatanim, may biyaya ring ibinibigay ang Ilog ng Abra. Kuwento ng mga katutubo, maraming isda ang nabubuhay sa naturang ilog. Subalit panaka-naka ay pinipinsala ang mga isda ng polusyon na nagmumula sa minahan ng Lepanto Consolidated Mining Company na nasa Mankayan, Benguet.

Ayon kay Irene Timbreza, kasapi ng Save the Abra River Movement o Starm, nagkaroon ng pagkalason ng isda sa Luba, Abra noong Abril 9, 2012. Hinala nila, nagpakawala ng tailings ang Lepanto. Ang Ilog ng Abra ay nagmumula sa bundok ng Data at dumadaloy sa Cervantes, Ilocos Sur hanggang sa probinsiya ng Abra kaya maraming mamamayan ang umaasa rito.

Kung ang Lepanto ay malayo na sa Abra, paano kaya kung magkaroon ng minahan sa Abra? Ito ang mahigpit na binabantayan ng mga katutubo. Kaya mahigpit ang kanilang pagtatanggol at pagtitiyak na walang makakapasok na malaking kompanya ng pagmimina sa kanilang lugar.

Pakikibaka para sa lupaing ninuno

Bagamat maraming aplikasyon ng eksplorasyon ang nakahain sa Abra, laganap din sa mga bayan ng Tubo, Bucloc, Baay-Licuan, Lacub at iba pa ang paglaban sa pagpasok ng pagmimina.

Sa Lacub, patuloy umano ang pagtatangka ng kompanyang Golden Lake, sa tulong na rin ng lokal na pamahalaan, pribadong army at militar na pahinain ang paglaban ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pandarahas, panunuhol at manipulasyon sa proseso ng Free and Prior Informed Consent ng mga katutubo.

Sa Tubo naman, may konsultasyon na rin umanong nagaganap sa pagitan ng kompanyang Canex at lokal na pamahalaan. Dahil malapit na ang eleksiyon, nangangamba ang mga katutubo na masuhulan ang mga politiko at maging mas mabilis ang proseso.

Noong Abril 12, 2012 may nakatakda sanang konsultasyon ang Canex kasama ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa mga mamamayan ng Tubo kaugnay ng eksplorasyon subalit hindi ito natuloy dahil sa malakas na ulan. Gayunman, nagbigay na umano ng P30,000 ang Canex para lamang dito. Nang sabihin umano ng mga mamamayan na nagastos na ang pera, sinabi ng kompanya na papalitan na lamang nila. Ibig sabihin, payag silang gumastos matuloy lamang ang eksplorasyon.

Subalit tiniyak ng mga taga-Tubo na hindi sila papayag sa naturang eksplorasyon. Lahat umano sila ay nagkakaisa para pigilan ang pagpasok ng pagmimina sa kanilang lugar.

Mga bata, sa isang pangkulturang pagtatanghal sa Kordilyera Day sa Abra. (Soliman A. Santos)

Mga bata, sa isang pangkulturang pagtatanghal sa Kordilyera Day sa Abra. (Soliman A. Santos)

Pakikibaka para sa buhay

Dahil sa kanilang paglaban sa pagpasok ng mga kompanya ng pagmimina, na tila ba kakambal na ng militarisasyon saanmang lugar, balot din ng sindak ang mga mamamayan sa pagdagsa ng militar sa kanilang lugar. Nasa Abra ang 41st Infrantry Battalion (IB) at ang 50th ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa Cordillera People’s Alliance (CPA), malawakan ang operasyon ng militar sa Abra at kahangga nitong Mountain Province at Ilocos Sur, mga lugar na dagsa rin ng aplikasyon sa pagmimina. Dagdag pa ng grupo, ang mga militar ay nakikipagsabwatan sa mga lokal na warlords para makapasok ang malawakang pagmimina sa Abra. Sa Tubo, Daguioman, Malibsong, Lacub at Tineg, nanghihimasok umano ang mga militar sa proseso ng pagdedsisyon ng mga tribu kaugnay ng pagmimina at nananakot para pumayag sa pagmimina ang mga komunidad.

Gayunman ay hindi natitinag ang paninidigan ng mga taga-Abra, at iba pang lugar sa Kordilyera, sa kanilang pagtutol sa pagpasok ng pagmimina kapalit ng pagkawasak ng kanilang lupa, buhay at kultura.

Ang nakaraang pagdiriwang ng Araw ng Kordilyera at ang pagdalo ng libu-libong mamamayang katutubo ay patunay lamang na hindi nila ibibigay ang kanilang karapatan sa lupa, buhay at kultura.

Ayon na rin kay Macliing Dulag, “Ang lupa ay buhay. Ano ang pinakamahalagang bagay para sa tao?. Buhay. Kung ang buhay ay nanganganib, ano ang kailangang gawin? Lumaban. Ito ang dapat niyang gawin, kung hindi, mawawalan siya ng dangal at ito ay mas masahol pa sa kamatayan.”

‘Hindi pa tapos ang laban’ para sa Luisita

$
0
0
Sa kabila ng mga banta, nagpapatuloy ang bungkalan sa Brgy. Balite, Hacienda Luisita (KR Guda)

Bungkalan sa Brgy. Balite, Hacienda Luisita (PW File Photo/KR Guda)

Malinaw ang maraming bagay para sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita, na ilang dekada nang nakikipaglaban para sa kanilang lupa. Para sa kanila, matagumpay, ngunit “inisyal” pa lamang, ang desisyon ng Korte Suprema na ipamahagi ang asyenda. Malinaw sa kanila na hindi “kampeon” ng repormang agraryo si Chief Justice Renato Corona. Katunayan, marami umanong butas ang desisyon ng Korte Suprema, na siguradong gagamitin ng mga Cojuangco para takasan ang pamamahagi ng lupa. Kaya’t malinaw din sa kanila na hindi pa tapos ang laban.

“Masayang masaya ang mga magsasaka sa desisyon ng Korte Suprema. Pero alam namin na marami pa kaming kakaharapin na problema,” sabi sa Pinoy Weekly ni Felix Nacpil Jr., tagapangulo ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (Ambala).

Noong Mayo 9, nagdaos ang Ambala ng ‘thanksgiving celebration’ o pista ng pasasalamat para sa lahat ng sumuporta sa kanilang laban. Patuloy nilang kakailanganin ang suportang ito, dahil inaasahang hindi hahayaan ng mga Cojuangco na mawala sa kanilang kamay ang lupa, lalo na’t kaanak nila ang nakaupong pangulo.

Posibleng maniobra ng mga Cojuangco

Mismong ang desisyon ng Korte Suprema ang posibleng magbigay-daan para sa  maniobra ng mga Cojuangco, ayon kay Atty. Jobert Pahilga, abogado ng Ambala. Pangunahin na rito ang kabiguan ng korte na ipirmi ang halaga ng kompensasyon para sa mga may-ari ng Hacienda Luisita, Inc. (HLI).

Thanksgiving celebration sa Hacienda Luisita noong Mayo 9 (Contributed Photo/AMGL)

Militante pa rin ang mga magsasaka sa pista ng pasasalamat sa loob ng asyenda noong Mayo 9 (Contributed Photo/AMGL)

Kung ang mga magsasaka ang tatanungin, libre dapat na ipamahagi ang lupa, dahil kinamkam lamang ito ng mga Cojuangco mula sa kanilang mga ninuno. Pero kung kinakailangang magbayad (sang-ayon sa Comprehensive Agrarian Reform Program with Extension and Reforms o Carper), iginiit ng mga magsasaka na ibatay ito sa halaga ng lupa noong 1989, na noo’y nasa P40,000 kada ektarya. Kinatigan ito sa desisyon ng korte noong Abril 24. Ngunit hindi nito isinaad ang eksaktong halaga, at ibinalik ang desisyon sa Department of Agrarian Reform (DAR). “As regards the issue of interest on just compensation, we also leave this matter to the DAR and the LBP (Land Bank of the Philippines), subject to review by the RTC (Regional Trial Court) acting as SAC (Special Agrarian Court),” ayon sa Korte Suprema.

“Dapat, ipinirmi na nila ‘yung compensation. ‘Yung DAR at Land Bank, under ito ng Office of the President, so ano ang aasahan mo? Kapag mababa yung valuation, kukuwestiyunin ito ng mga Cojuangco. ‘Pag mataas naman, kukuwestiyunin namin. So panibagong dispute na naman,” ani Pahilga. Hinihingi ng mga Cojuangco ang P10- Bilyon, o isang milyong piso kada ektarya.

Kuwestiyunable rin umano ang desisyon ng korte na isama sa babayarang kompensasyon ang interes sa lupa simula noong 1989, gayundin ang 264-metro kuwadradong homelots na ibinigay ng mga Cojuangco sa mga magsasaka noong 1996. Ayon kay Pahilga, ito ay “bagong mga isyu” na wala sa unang mga desisyon ng korte. Ngunit dahil tinatagurian nang final at executory ang desisyon, posibleng wala nang habol dito ang mga magsasaka.

“Bakit mo papatungan ng interes ‘yung lupa, na during those times ay di naman nakinabang ang magsasaka. Bakit sila bibigyan ng interes (mga Cojuangco) na all the time, sila ‘yung kumita? Babayaran ‘yun ng gobyerno, at eventually, babayaran ‘yun ng mga magsasaka,” ani Pahilga.

Atty. Jobert Pahilga (kanan), abogado ng Ambala (PW File Photo/Ilang-Ilang Quijano)

Samantala, ang homelots ay ibinigay ng mga Cojuangco sa mga manggagawang-bukid na kinukumbinsi nilang sumailalim sa Stock Distribution Option. “Binigay nila ito nang libre, ngayon bakit pinababayaran? Ngayong natalo sila sa korte, sasabihin nilang ‘Hindi, sandali, magbayad pala kayo. Talo kasi kami.’ Hindi ba’t nakakatawa?” ayon kay Pahilga. Kinokonsidera ng Ambala na maghain sa Korte Suprema ng partial motion for reconsideration para sa mga isyu ng pagbabayad ng interes sa lupa at homelots.

Bentahe ng collective ownership

Noon pa man, iginigiit na ng mga magsasaka ng asyenda na kung ipapamahagi ang lupa sa kanila, bukod sa libre, dapat itong isailalim sa kolektibo, at hindi sa indibidwal, na pagmamay-ari.

Posible sa ilalim ng batas ang collective ownership o kolektibong pagmamay-ari ng lupa. “The beneficiaries may opt for collective ownership, such as co-workers or farmers cooperative or some other form of collective organization and for the issuance of collective ownership titles,” ayon sa Section 10 ng Carper o Republic Act 9700. Posible ang collective ownership kung ang mga benepisyaryo ay nagtatrabaho na nang sama-sama sa malaking bahagi ng lupa—gaya ng bungkalan ng mga miyembro ng Ambala na noong 2006 pa sinimulan at kanilang ipinagpatuloy, sa kabila ng mga banta at panghaharas ng mga Cojuangco.

Inihayag na ng Ambala sa DAR ang kahilingan para sa kolektibong Certificate of Land Ownership Award (CLOA). Lalo umanong mapapabilis ang distribusyon ng lupa kapag collective CLOA ang ibibigay sa halip na individual. Inilinaw pa niya na posible pa rin namang mabigyan ng individual CLOA sa hinaharap ang isang indibidwal, kung gugustuhin niya.

“Ang bentahe nito (collective CLOA), maiiwasan ‘yung pagbabalik ng lupa sa mga Cojuancgo. Kasi kung isa ka lang na magdedesisyon, madali kang maakit. ‘Pag kolektibo, di madali na makuha ng panginoong maylupa ang lupa,” sabi ni Pahilga.

Marami umanong paraan para muling mapasakamay ng mga Cojuangco ang asyenda kapag naging indibidwal ang pagmamay-ari. Dito, hindi nakakatulong ang anim na buwang palugit na ibinigay ng korte sa DAR para ipamahagi ang lupa. “Maraming posibleng mangyari sa anim na buwan. Eventually, kukuha sila (HLI) ng mga magsasaka na masisindak, makukumbinsi, o mababayaran. Ang lupa nila ay makuha ulit sa pamamagitan ng leaseback o kaya joint venture agreement. Sasabihin sa mga magsasaka, ‘Kayo ang magtatanim, kami ang magbibigay ng kapital.’ Pero ang mga Cojuangco pa rin ang magdidikita kung ano ang itatanim, kung magkano ang sahod nila,” paliwanag ng abogado.

Tubuhan pa rin? Posibleng maibalik sa kontrol ng mga Cojuangco ang lupain sa Luisita kapag indibidwal ang distribusyon nito (PW File Photo/Ilang-Ilang Quijano)

Kaya mahalaga ang konsolidasyon ng mga magsasaka, lalo na at “umeeksena” ang huwad na mga grupong magsasaka na pinakawalan ng HLI para hatiin ang kanilang hanay, ayon kay Nacpil. Ang Ambala at United Luisita Workers Union ang nanguna sa welga ng mga manggagawang-bukid noong 2004, at nagpetisyon sa Korte Suprema para ibasura ang SDO noong 2003. Nasa 5,357 ang miyembro ng Ambala, mula sa 6,296 na bilang ng mga benepisyaryo.

Ayon kay Pahilga, hindi dapat kilalanin ng DAR si Noel Mallari at ang bagong-tayo nitong grupo na Association of 1989 Original Farmworkers (AOF). Pinatalsik si Mallari mula sa Ambala, at naging empleyado ito ng Luisita Estate Management. Noong oral arguments sa Korte Suprema, sinuportahan ni Mallari ang mga argumento ng HLI. Ngunit nang manalo ang mga magsasaka, tinawag ni Mallari si Corona na “kampeon ng repormang agraryo” at ngayo’y nagmomobilisa para sa indibidwal na pagmamay-ari ng lupa.

Mga individual CLOA rin ang itinutulak ng Farm Workers Agrarian Reform Movement (FARM)-Luisita ng grupong Akbayan, at ng Lehitimong Manggagawang Bukid ng Hacienda Luisita (LMBHL), na binubuo ng mga supervisor ng Central Azucarera de Tarlac. Inihayag na ng LMBHL na balak nitong magtanim ng tubo gamit ang mga makina ng HLI, sa ilalim ng iskemang “profit sharing” o hatian sa kita, na sa esensiya ay walang pinagkaiba sa SDO.

“Naghahanda na kami, dahil inaasahan namin ang pananabotahe sa distribusyon ng lupa,” ayon kay Nacpil.

Tagumpay

Hindi pa rin mababalewala ang tagumpay na nakamit ng mga magsasaka sa desisyon ng Korte Suprema. “Sa bahagi ng Ambala na ayaw na talaga sa mga Cojuangco, makukuha nila ang lupa. Sa mga naninindigan na kanila ang lupa, makukuha nila ito.   Hindi na sila pwede diktahan, hindi na sila mae-expose sa kung anu-anong kaso, hindi na sila pagbabawalan sa nais nilang gawin sa lupa. Just the same, subject pa rin sila sa pagbabayad ng just compensation,” ani Pahilga.

Para sa mga magsasaka, walang hustisya sa just compensation na ito, anuman ang halaga. Ito’y dahil matagal nang pinakinabangan ng mga Cojuangco ang kanilang lupa. Inaasahan ding magiging mahirap ang pagsasaka dahil sa kawalan ng suporta ng gobyerno—isa pang matibay na dahilan kung bakit kinakailangang pagtulungan ang pagbubungkal ng lupa. “Dapat nga, kami pa ang binibigyan ng suporta ng gobyerno,” sabi ni Nacpil.

Maraming patuloy na kakalabanin ang mga magsasaka ng Luisita. Nariyan ang tuluy-tuloy na pananakot, panloloko, at panunuhol ng mga dating panginoong maylupa, gayundin ang atrasadong agrikultura at gobyernong walang malasakit sa kanila. Gayunpaman, kung mayroon man silang natutunan sa deka-dekadang pakikibaka para sa lupa ng Luisita, ito ay kapag sama-sama, malulubos nila ang tagumpay.

Pagkatapos ng impeachment: Iba’t ibang grupo nanawagan ng paghatol kay Gloria, pamamahagi ng Luisita sa magsasaka

$
0
0

Matapos ang conviction ni Chief Justice Renato Corona sa impeachment trial, hinamon ng iba't-ibang grupo ang administrasyong Aquino na isunod agad na litisin si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. (Macky Macaspac)

Matapos ang makasaysayang conviction ng Senado kay Chief Justice Renato Corona, nagmartsa at nagtipun-tipon sa Mendiola ang iba’t ibang grupo para hamunin ang administrasyong Aquino na agarang isunod ang paghatol at pagkulong sa dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, agarang ipamahagi ang asyenda Luisita sa mga magsasaka at kagyat na bigyang-ginhawa ang mga mamamayan mula sa tumitinding kahirapan at kawalan ng hanapbuhay.

Sa kabila ng pagtanggap at pagkilala ng iba’t ibang militanteng grupo tulad ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa naganap na impeachment trial, hindi umano dapat na magtapos na lamang kay Corona ang pagpapanagot.

Ngayong wala na si Corona, huwag na rin magpalusot si Pangulong Aquino. Dapat na niyang kagyat na usigin, hatulan at ikulong si Pangulong Arroyo para sa kanyang malalang kasalanan sa taumbayan,” ani Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.

Sinabi pa ng KMU na dapat ring buksan ng mga pulitiko ang kanilang mga bank account upang mausisa ng taumbayan. “Ang laban para sa transparency at accountability ay hindi nagtatapos kay Corona. Lahat ng mga nahalal na opisyal ay dapat puwersahing palabasin ang kanilang mga bank account at financial record upang makita ng publiko,” sabi pa ni Labog.

Ito rin ang hamon ni Corona sa pagharap niya bilang testigo sa impeachment, na hindi tinugunan ng halos lahat ng kongresistang pumirma sa reklamo laban sa kanya.

Duda naman ang grupong Gabriela na maisusunod agad ng administrasyong Aquino ang pagpapanagot kay Arroyo. Bagamat kinikilala ng grupong kababaihan ang kabuluhan ng impeachment trial at panawagang pag-usig kay Corona dahil sa pakikipagsabwatan umano nito kay Arroyo, kapansin-pansin umano na sa pagtakbo ng impeachment, naging malabnaw ang nasabing isyu at natuon na lamang sa bintang na korupsyon at hindi pagdeklara ng SALN ang pag-usig kay Corona.

Dapat rin umanong isunod agad na litisin at hatulan si dating pangulong GMA . (Macky Macaspac)

Kapansin-pansin ang kamay ng Malacanang sa buong proseso ng impeachment trial. Minaniobra nito ang impeachment procedure upang masentro sa personal na atake kay Corona ang isyu, bagay na pumapabor kay Pangulong Aquino, ” ani Gert Ranjo-Libang, pangalawang pangkalahatang kalihim ng Gabriela.

Ayon pa kay Libang, “Ni wala man lamang nabanggit ang mga senator-judges ukol sa ugnayan ni Corona kay Gloria Arroyo. Nagmistulang vendetta na lamang ito ni Pangulong Aquino kay Corona matapos ang desisyon ng Korte Suprema na pabor sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita.”

Malaki rin ang pangamba ng mga grupo na dahil sa pag-alis kay Corona bilang punong mahistrado ng Korte Suprema, maaring mabaliktad ang naunang desisyon hinggil sa pamamahagi ng lupain sa Hacienda Luisita. Ayon kay Rodel Mesa, pangkalahatang kalihim ng Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura (UMA), ang pagpapalit ng liderato ng Korte Suprema ay bahagi ng disenyo para mabaligtad ang desisyon na pumabor sa mga magsasaka. “Nababahala kami, dahil patuloy ang pagmamaniobra ng pamilya Cojuangco-Aquino,” aniya.

Pinangangambahan ng mga magsasaka na mabaligtad ang desisyon hinggil sa presyuhan ng mga lupang ipamamahagi. Nais kasi ng pamilya Coquangco na bayaran sila sa halagang 10 bilyong piso kada ektarya.

Nakakatiyak kami na isandaan at isang porsiyentong sasamantalahin ng pangulo ang sitwasyon para makuha nila ang imoral na 10 bilyon compensation claim. Nasa kamay na niya ang pagbuo ng isang korteng pabor sa kanila at hindi ito mangingiming gamitin ito bilang armas upang protektahan ang paghahabol ng kanyang pamilya sa asyenda Luisita,” sabi pa ni Mesa.

Pinangangambahan din ng grupo ang mga posibleng papalit kay Corona, nakahanay na maaring pumalit sina Justice Lourdes Sereno at Antonio Carpio na may ibang pananaw hinggil sa halaga ng ipapamahaging lupa ng asyenda Luisita. “Hindi namin inaasahan na magiging patas sila sa usapin ng asyenda Luisita,” dagdag pa ni Mesa.

Pangamba rin ng KMU na mapapadali umano ang pagpapatupad ng mga kontra mangggagawang patakaran kapag nakontrol ni pangulong Aquino ang hudikatura. Matagal nang ipinaglalaban ng KMU ang 125 dagdag sahod, ngunit direktang tinutulan ito ng pangulo at ibinigay lamang ang 30 peso na Cola, na ayon sa grupo ay kakarampot. Gayundin, matagal na din na nakabinbin sa kongreso ang 6,000 dagdag sahod ng mga kawani sa gobyerno.

Ayon naman sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), nakakabahala umano ang hakbang ni Aquino na kontrolin ang lahat ng sangay ng estado, maaari umano itong tumungo sa diktadurya.

Nagbabala ang mga magsasaka na posibleng mabaligtad ang desisyon ng Korte Suprema kapag nailagay sa korte ang isang mahistradong maka-Aquino. (Macky Macaspac)

“Kung kokontrolin ni Aquino ang hudikatura, kasabay ng kawalang kakayanan nito na tugunan ang lumalalang pang-ekonomiyang krisis, lumalaking bilang ng mga walang lupa, kawalan ng hanapbuhay at ang kahirapang nararanasan ng mamamayan, maaaring tumungo ito sa diktadurya,” ani Randall Echanis, pangalawang pangkalahatang kalihim ng KMP at tagapangulo ng Anakpawis Party-list.

Panawagan ng mga grupo na panindigan ng Korte Suprema ang nauna nitong desisyon hinggil sa asyenda Luisita at nanawagan naman sila kay Pangulong Aquino na simulan na ang pagpapanagot kay Arroyo gayundin ang pagbibigay lunas sa kahirapang nararanasan ng mamamayan.

Iba pang larawan:

Panawagan din nila ang pagparusa sa puganteng si Jovito Palparan. (Macky Macaspac)

Kuha ni Macky Macaspac

Special ops, isinasagawa para palayasin mga magsasaka ng Luisita

$
0
0

Lito Bais, lider-magsasaka sa Hacienda Luisita, ibinulgar ang Oplan April Spring sa isang press conference (Ilang-Ilang Quijano)

Ibinulgar ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang “Oplan April Spring,” isang espesyal na plano umano ng pamilya Cojuangco-Aquino at Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) para palayasin ang mga magsasaka sa 500-ektaryang lupain sa loob ng Hacienda Luisita.

Sa isang press conference sa Quezon City, ipinamahagi ng grupo ang kopya ng isang plano na ipinadala sa e-mail ni Anacleto Diaz, abogado ng RCBC, kay dating Marikina Rep. Romeo Candazo, na nagpapakilala sa mga magsasaka ng Luisita bilang representante ng bangko. (I-download ang kopya ng Oplan April Spring)

Idinetalye ng Oplan April Spring ang mga hakbang para makamit ang layuning bakuran ang lupaing inaangkin ng RCBC, kabilang na rito ang panunuhol sa pulisya, mobilisasyon, at paggamit ng midya. May badyet ng P1.545 Milyon ang nasabing plano, na mahigit sa kalahati ay nakalaan sa special operations: P650,000 para sa “Law Enforcement Support” at P120,000 naman para sa “PNP (Philippine National Police) Food and Drinks.”

Ibinigay umano sa KMP ang kopya ng plano ng isang insider sa RCBC na “may simpatya sa mga magsasaka ng Luisita.” Naka-attach ang plano sa isang e-mail ni Anacleto kay Candazo noong Marso 30.

Ayon kay Lito Bais, presidente ng United Luisita Workers Union, patunay ito na patuloy na tinatakasan ang reporma sa lupa ng pamilya ni Pang. Benigno Aquino III, sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). “Habang nariyan ang CARP, mahirap ang pakikibaka para sa lupa, dahil patuloy na nakakamaniobra ang pamilya Cojuangco,” sabi ng lider-magsasaka.

“Ang plano ni Aquino na i-extend ang bogus na CARP hanggang 2016 ay bahagi ng mas malaki pang plano kaysa sa Oplan April Spring. Ito ay ang planong pigilan ang distribusyon ng lupa sa buong Luisita,” ayon naman kay Willy Marbella, pangalawang pangkalahatang kalihim ng KMP.

Oplan April Spring

Ang Oplan April Spring ay isang kampanya paalisin sa nasabing lupain ang mga magsasaka na binungkal ito simula noong nakaraang taon. Mayroon itong layunin na: “To mobilize the community in the completion of the fencing and enclosure of the property, eviction of the intruders and its defense against future saboteurs.” 

Sa pinal na desisyon ng Korte Suprema noong Abril 24 ngayong taon, hindi nito isinama sa distribusyon ng lupa ang 500-ektarya sa Brgy. Balite na ibinenta ng HLI sa RCBC. Ngunit inaapela ito ng mga magsasaka sa Department of Agrarian Reform (DAR), at iginigiit na ilegal na binenta ng HLI sa RCBC ang lupa.

Ayon kay Bais, kasabwat ng mga Cojuangco-Aquino ang RCBC sa pagsasagawa ng Oplan April Spring, dahil nasa 187-ektarya lamang umano ang pag-aari ng RCBC, at ang natitira ay pag-aari na ng Luisita Industrial Park Corp.

Sa nasabing plano, kasama sa mga aktibidad ang “propaganda and counter propaganda,” kabilang na ang paid advertisements sa mga dyaryo sa Gitna at Hilagang Luzon, na may badyet na P200,000. May badyet din para sa press conferences, press releases, primers, at tarpaulin hanging.

Kasama rin sa mga aktibidad ang “organization and mobilization” na may kabuuang badyet na P410,000. May badyet ang bawat isang tao sa mobilisasyon na P300 kada araw. May badyet din para sa deputization ng Barangay Security Personnel” na P300 kada tao sa isang araw.

Nasa plano rin ang identipikasyon ng mga kaaway at posibleng alyado (“enemies and possible allies”) mula sa lokal na mga lider at grupo.

Bahagi ng estratehiya at taktika ng nasabing plano ang “one big, decisive push to drive out intruders.” Dapat umano itong isagawa sa loob ng 24 oras na may minimum lamang na karahasan, sa tulong ng “sympathetic neutrality” ng pulisya at korte.

Kuwento ni Bais, nakipagdayalogo sa mga magsasaka si Candazo sa isang pulong noong Abril 13 sa Brgy. Buenavista. Inalok umano ni Candazo ang mga lider na iaatras ng RCBC ang mga kasong isinampa laban sa kanila, kapalit ng pagbabakante ng lupain. Mariin itong tinanggihan ng mga lider ng Ambala (Alyansa ng Manggagawang-Bukid sa Asyenda Luisita).

Noong  Abril 27, nagkagirian ang mga guwardiya ng RCBC at miyembro ng Ambala na dumepensa sa kubol na kanilang itinirik sa nasabing lupain. Nabigo ang RCBC na paalisin ang mga magsasaka noon.

Ngunit ayon kay Bais, patuloy na nanunuhol ang RCBC sa mga lider-magsasaksa. Kasabay nito, sinisiraan ng umano’y mga tauhan ng Cojuangco-Aquino ang mga lider ng Ambala at ULWU “para hatiin ang aming pagkakaisa,” aniya.

Naghayag din pangamba ang mga magsasaka ng Luisita sa delay ng DAR sa pagbeberipika ng mga benepisyaryo, na ipinirmi ng Korte Suprema sa bilang na 6,296.

“Ini-interview ng DAR kahit ang hindi mga benepisyaryo. Sa ngayon, nasa 8,000 na ang nai-interview nila, at may hanggang Hunyo 22 pa sila. Ibig sabihin, lolobo pa ang bilang na yan. Ang pangamba namin, posibleng magdulot ng delay at lalo pang gulo ang ginagawang ito ng DAR, dahil aasa ang mga hindi benepisyaryo, at posible silang gamitin ng mga Cojuangco,” sabi ni Bais.

Kilos-protesta sa anibersaryo ng CARP

Inanunsiyo ng KMP ang isang malaking kilos-protesta ng mga magsasaka sa iba’t ibang rehiyon sa Hunyo 11 at 12, bilang paggunita sa ika-24 na anibersaryo ng CARP. Tutol sila sa ekstensiyon ng umano’y huwad na programa sa repormang agraryo.

Ayon kay Anakpawis Rep. Rafael Mariano, “Ang malaking backlog ng DAR sa acquisition at distribusyon ng pribadong mga lupang agrikultural ay patunay nito. Nananatili sa kontrol ng malalaking panginoong maylupa at kompanyang transnasyunal ang malalaking lupain. Nanatiling buo ang mga asyenda gaya ng Luisita, Yulo, at iba pa sa kabila ng pagdaan nito sa 11 programa sa repormang agraryo, at siguradong mananatili itong buo kahit i-extend ang CARP.”

Mga magsasaka ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, tutol sa ekstensiyon ng CARP, magproprotesta sa ika-24 na anibersaryo ng programa (Ilang-Ilang Quijano)

Nagbigay-daan umano ang CARP sa kanselasyon ng libu-libong mga Certificate of Land Ownership Awards, Certificate of Land Transfer, at Emancipation Patent.

Sa halip, ipinapanukala ng Anakpawis ang Genuine Agrarian Reform Bill bilang alternatibo sa CARP. Hinikayat din ng mambabatas ang Catholic Bishops Conference of the Philippines na suportahan ang GARB sa halip na CARP.

Para naman sa Katipunan ng Samahang Magbubukid sa Timog-Katagalugan (Kasama-TK), ang matagumpay na repormang agraryo ay “mabilis, radikal at may kakayahang mangumpiska ng lupa,” hindi umano katulad ng CARP na “namimili at hinahahayaan ang malalaking asendero na tumakas sa pamamahagi ng lupa.”

Ayon kay Orly Marcellana ng Kasama-TK, nasa 16,478 ektarya sa Bondoc Peninsula at South Quezon ang nananatili sa kontrol ng mga asendero. “Nananatili itong hacienda belt, sa kabila ng 24 na taon ng CARP,” aniya.

Pinoprotesta rin ng mga magsasaka ang pagdeploy ng walong batalyon ng militar sa Bondoc Peninsula at South Quezon, na nagsisilbi umanong “private army” ng mga asendero, kabilang na ang tiyuhin ng pangulo na si Danding Cojuangco.

 

Sa pagdukot ng magsasaka sa Quezon: PNoy, idiniin sa ‘retorika’ sa repormang agraryo

$
0
0

Magsasaka mula sa Timog Katagalugan, nakalapit sa tahanan ni Pangulong Aquino sa Times St. para iprotesta ang Comprehensive Agrarian Reform Program (Ilang-Ilang Quijano)

Dahil “sawang-sawa na” sa umano’y “retorika” ni Pang. Benigno Aquino III hinggil sa repormang agraryo, sumugod sa tahanan ng pangulo sa Times St. sa Quezon City ang mahigit-kumulang 70 magsasaka mula sa Timog Katagalugan.

Nakalapit sa gate ng tahanan ng mga Aquino ang militanteng mga magsasaka mula sa Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK), na muling iginiit ang pagbasura sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), isang araw bago ang ika-24 na anibersaryo ng programa.

Tugon ito ng mga magsasaka sa deklarasyon ni Aquino na matatapos ang pamamahagi ng lupa sa ilalim ng CARP sa loob ng kanyang termino.

Hinamon ni Axel Pinpin, pangkalahatang kalihim ng Kasama-TK, ang pangulo: “Sawang-sawa na kami sa retorikang ito…Bakit hindi na lang niya kagyat na ipamahagi ang Hacienda Luisita?”

Bagaman nagdesisyon na ang Korte Suprema, naaantala pa rin ang distribusyon ng lupa sa asyenda ng pamilya Cojuangco-Aquino, at nahaharap sa panibagong panghaharas ang mga magsasaka roon.

Nakalusot sa mga guwardiya ang mga magsasakang nagpoprotesta (Ilang-Ilang Quijano)

“Dinisenyo ang CARP para protektahan ang interes ng malalaking asendero sa bansa… Nilehitimisa pa nito ang pasismo para protektahan ang pag-aari ng mga asendero,” sabi ni Pinpin.

Iniulat ng grupo na kahapon lamang, dinukot ng pinaghihinalaang mga elemento ng  ang 18-anyos na magsasakang si Franklin Barrera, mula sa Brgy. San Vicente, Gumaca, Quezon. Nakatakas lamang si Barrera mula sa isang safehouse sa bayan ng Lopez, malapit sa detatsment ng 85th Infantry Batallion.

Si Barrera ay convenor ng Save Bondoc Peninsula Movement, isang alyansa para labanan ang mga paglabag sa karapatang pantao sa South Quezon at Bondoc Peninsula, kung saan kasalukuyang nakadeploy ang walong batalyon ng militar. Bahagi ang deployment ng Oplan Bayanihan, programang kontra-insurhensiya ng gobyernong Aquino.

“Pinagkaitan kami ng normal na buhay ng Oplan Bayanihan. Nabubuhay kami araw-araw sa takot ng ilegal na aresto, tortyur, at iba’t ibang porma ng panghaharas,” ayon kay Orly Marcellana, tagapagsalita ng Save Bondoc Peninsula Movement.

Oplan Bayanihan, sinisisi sa pagdukot ng isang magsasaka sa Quezon kahapon (Ilang-Ilang Quijano)

Tinagurian ng Kasama-TK ang South Quezon at Bondoc Peninsula bilang “hacienda belt” ng bansa, dahil may mahigit 16,000 ektarya ng lupain ang umano’y napapasakamay pa rin ng mga asendero, kabilang na ang tiyuhin ng pangulo na si Danding Cojuangco.

Isa pang grupo na sumusuporta sa CARP ang nakipagdayalogo sa mga opisyal ng gobyerno, alinsunod sa utos ni Aquino bago umalis patungong United Kingdom at Estados Unidos.

Ngunit ayon kay Pinpin, “Ang pakikipagdayalogo kay Aquino ay isa lamang oportunidad para sa ‘Haciendero Republic’ na makapagpostura bilang kampeon ng reporma, sa pamamagitan ng moro-moro kung saan hahayaan ng Malakanyang ang mga magsasakang magreklamo, mangangako ang gobyerno, at uuwi ang mga magsasaka. Tinaguriang ‘solb’ na ang problema nang wala namang nagbabago sa kaayusang panlipunan.”

Kaiba sa mga magsasakang sumusuporta sa CARP na hinarap ng mga opisyal ng gobyerno, pinilit itaboy ng mga guwardiya ang mga demonstrador sa Times St. Ngunit matapos ang kaunting kiskisan, nabigo silang pigilan ang mga magsasaka na makalapit sa tahanan ni Aquino.

CARP: 24 taon ng kawalan ng lupa at kalayaan

$
0
0

Drayber ng isang dumaraang pribadong sasakyan, nagpahayag ng suporta sa kilos-protesta ng mga magsasaka sa Araw ng Kalayaan (Ilang-Ilang Quijano)

Kung nagtagumpay ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa pagbibigay ng lupa sa mga magsasaka, hindi na sila babalik taun-taon sa paanan ng Mendiola para iprotesta ang umano’y huwad na repormang agraryo na pinasimulan ng ina ni Pang. Benigno Aquino III.

Hunyo 12, Araw ng Kalayaan, at dalawang araw makaraan ang ika-24 na anibersaryo ng CARP, mahigit-kumulang 2,000 magsasaka mula sa Gitnang Luzon, Southern Tagalog, at Negros ang naghayag ng kanilang mga testimonya kung paano wala pa rin silang lupa, at kalayaan, sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Mula sa Quezon, nagpupuyos sa galit si Mylene Santoa, tagapag-ugnay ng grupong Piglas-Quezon, at tenante sa Hacienda Tan sa Brgy. Masalaan, bayan ng San Francisco. Nahaharap ang buong South Quezon at Bondoc Peninsula sa matinding militarisasyon bunga ng pagdeploy ng walong batalyon ng Philippine Army para “durugin” ang New People’s Army (NPA).

Mylene Santoa, tenanteng magsasaka sa Quezon: Pinagbibintangang NPA dahil ipinaglalaban ang lupa (Ilang-Ilang Quijano)

Dinukot ng militar si Santoa at ininteroga sa loob ng walong oras, pilit siyang pinaaamin na kasapi ng NPA. “Kung NPA kami, pupunta pa ba kami rito para iparating ang aming mga hinaing?” aniya sa kanyang talumpati sa entablado.

Kuwento niya sa Pinoy Weekly, pinupuntahan ng mga miyembro ng 74th Infantry Batallion ang mga lider-magsasaka sa kanila-kanilang bahay. “Bakit daw kami hindi na lang makuntento sa pagiging tenante,” aniya.

Nasa mahigit 3,000 ektarya ng niyugan sa kanilang lugar ang matagal nang pagmamay-ari ng asenderong si Juanito Tan. Nang mamatay ito, pinaghati-hatian ng kanyang mga anak ang lupa, at walang napunta sa mga magsasaka, sa kabila ng umano’y pagiging saklaw nito ng CARP.

Umiiral ang klasikong pyudal na relasyon: 40 porsiyento lamang ng ani ang napupunta sa kanila, habang 60 porsiyento ang napupunta sa mga asendero. “Sa amin pa ‘yung gastos sa produksiyon. Kaya sa P5,000 na kinikita namin kada paglulukad (kada dalawang buwan), P500 na lang ang natitira, karamihan ay pambayad-utang,” ani Santoa. Halos hindi na umano makapag-aral ang kanyang mga anak.

Ayon sa datos ng Katipunan ng Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK), may 16,000 ektarya sa South Quezon at Bondoc Peninsula ang nananatili sa kamay ng mga asendero. Kabilang na dito ang tiyuhin ng pangulo na si Eduardo “Danding” Cojuangco Jr.

Nang tanungin kung bakit tutol siya sa ekstensiyon ng CARP, iginiit ni Santoa na nabigo ito na ipamahagi ang mga lupain, at nagbibigay lamang ng huwad na pag-asa sa mga magsasaka. Iginigiit niya ang libreng pamamahagi ng lupa, gaya ng nakasaad sa isinusulong na Genuine Agrarian Reform Bill ng Anakpawis Party-list. Paliwanag niya, sa ilalim ng CARP, “hindi rin naman naming kayang bayaran ang Land Bank sa loob ng 30 taon, at mawawala rin sa amin ang lupa.”

"Yankees, Go Home!", isa sa mga popular na islogan noong napatalsik ang baseng Kano noong 1992. Pinaniniwalaang muling nagbabase ang US sa Pilipinas sa pamamagitan ng Visiting Forces Agreement. (Ilang-Ilang Quijano)

Samantala, sa sarbey na isinagawa ng National Federation of Sugar Workers (NFSW), lumalabas na 41 porsiyento ng agrarian reform beneficiaries na manggagawa sa tubuhan, o 25, 336 sa 61,375, ang naagawan muli ng lupa dahil sa mga iskemang non-land transfer ng CARP, gaya ng Stock Distribution Option (SDO) at corporate joint venture.

Katunayan, lumobo pa nang 5,030 ektarya ang pag-aari ni Cojuangco sa buong isla ng Negros, nang dahil sa nasabing mga iskema sa ilalim ng nakaraang 24 taon ng CARP, ayon sa NFSW.

“Isang kabalintunaan na habang ipinagdiriwang ng bansa ang ika-114 na taon ng umano’y kalayaan nito, alipin pa rin ng pyudal na pagsasamantala ang mga magsasaka, ang mayorya ng mga Pilipino. Ang esensya ng repormang agraryo ay ang libre pamamahagi ng lupa; ito ang pinakamahalagang elemento ng ating kalayaan ngayon,” ani Rodelson Mesa, pangkalahatang kalihim ng Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura.

Matapos ang kilos-protesta sa Mendiola, nagtungo ang mga magsasaka at iba pang sektor mula sa progresibong mga organisasyon sa embahada ng Estados Unidos. Hinarang sila sa daan ng mahigit-kumulang 50 na pulis. Sa isang programa sa Kalaw Ave., binatikos ng mga grupo ang “pagpapakatuta” ni Pangulong Aquino sa mga interes pang-ekonomiya at pangmilitar ng US, na umano’y patunay ng patuloy na kawalan ng kalayaan ng bansa. (Panoorin ang bidyo ng protesta sa US embassy)  

Iba pang mga larawan ng kilos-protesta:

Gaya ng mga watawat ng Pilipinas na nagkalat sa Kamaynilaan noong araw na iyon, iwinawagayway ng mga magsasaka ang kanilang mga bandila na sumisimbolo ng kanilang patuloy na paglaban para tunay na kalayaan. (Ilang-Ilang Quijano)

 

Martsa ng mga magsasaka patungo sa US embassy, bitbit ang panawagang palayasin ang mga tropang Kano (Ilang-Ilang Quijano)

Kahit naka-dilaw, hindi pro-Aquino ang demonstrador na ito: Binabatikos niya ang pagpapatuloy ng pangulo sa di-pantay na relasyon ng US at Pilipinas. (Ilang-Ilang Quijano)

 

Istrimer na iniladlad ng rebolusyonaryong grupo sa overpass sa Mendiola, para iparating ang kanilang solusyon sa kawalan ng tunay na reporma sa lupa. (Ilang-Ilang Quijano)

Hinarang ng pulisya ang mga demonstrador pagdating sa US embassy, isang indikasyon umano ng interes na pinagsisilbihan ng mga puwersa ng estado. (Ilang-Ilang Quijano)

 

Pagdagsa ng imported na bigas, ‘kolonisasyon’ muli ng agrikultura

$
0
0

Lokal na magsasaka ng palay, nanganganib ang kabuhayan sa pagdagsa sa merkado ng imported na bigas mula Estados Unidos? (PW File Photo/KR Guda)

Sa talumpati ni Pang. Benigno Aquino III sa komunidad ng mga Filipino-American sa Los Angeles sa pinakahuli niyang bisita sa Estados Unidos, kasama sa kanyang ipinagmalaki ang pagiging “self-sufficient” sa bigas pagdating ng 2013. Umano’y hindi na kailangan pang mag-import ng bansa ng bigas mula sa mga kapitbahay sa Asya.

Ang hindi niya nabanggit, sa katapusan ng buwan, inaasahang lalo pang dadagsa sa merkado ang imported na bigas. Ito ay dahil magtatapos na sa Hunyo 30 ang Quantitative Restrictions (QR) sa bigas na ipinagkaloob ng World Trade Organization (WTO) sa Pilipinas. Isang uri ng tinataguriang Special Treatment, nililimita ng QR ang bolyum ng bigas na maaaring angkatin ng bansa.

Sa isang pahayag, nagbabala ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), militanteng organisasyon ng mga magsasaka. “Makakapasok sa bansa ang imported na bigas nang walang taripa, nang walang anumang sagka o limitasyon,” ayon kay Antonio Flores, tagapagsalita ng KMP.

Ngayon pa lamang, ayon sa KMP, isa sa bawat limang subo ng kanin ay mula sa bigas na inangkat mula sa ibang bansa.

Ang hindi rin nabanggit ni Aquino, isa sa mga dahilan nito ay ang hakbang ng gobyernong US, na katatapos lamang niyang bisitahin ang presidente.

US, malaking exporter ng bigas

Noong Nob. 18, 2011, nagpetisyon ang Department of Agriculture (DA) sa WTO na palawigin pa ang QR sa bigas hanggang 2015, nang magsilbi itong proteksiyon sa lokal na mga magsasaka ng palay. Ngunit hinarang ang petisyon ng gobyernong US, isang malaking exporter ng bigas sa Pilipinas.

(Inihayag mismo ni Agriculture Sek. Proceso Alcala na posibleng “gumaganti” ang US sa inilabas ng ahensiya na Administrative Order (AO) 22, na naghihigpit sa pagpasok ng imported na mga frozen and chilled meat para masiguro ang kalidad nito. Isa ang US sa mga exporter ng karne na apektado sa nasabing kautusan ng ahensiya; inaapela ng gobyerno nito ang AO 22.)

Ang US na ang pangalawa sa pinakamalaking rice exporter sa buong mundo, kasunod ng Thailand. Mula 2000 hanggang 2010, nag-angkat ang bansa ng average na 60,900 metric tons (MT) kada taon mula sa US. Pinakamalaki ang inangkat noong 2001, na umabot sa 100,900 MT.

Sonny Africa ng Ibon Foundation (Ilang-Ilang Quijano)

Sa isang porum noong Hunyo 6 na pinamagatang Recolonization of Agriculture: Quantitative Restrictions and Free Trade Agreements, inihayag ni Sonny Africa, executive director ng Ibon Foundation, ang pagiging tagibang ng mga kasunduan sa WTO at iba pang mga FTA na tinatanggal ang mga taripa, o buwis sa inaangkat na mga produkto.

“Kung tatanggalin ang taripa, masisira ang pambansang industriya at agrikultura. Proteksyon ito mula sa murang produkto mula sa ibang bansa na may abanteng teknolohiya at subsidyo,” ayon kay Africa.

Matagal nang inalis ng gobyerno ng Pilipinas ang proteksiyong ito, bilang isa sa pinakauna at pinakamabilis na nagliberalisa sa ekonomiya—bago pa man ang WTO, bago pa man sumunod sa neo-liberal na mga patakarang pang-ekonomiya ang iba pang bansa sa Asya. Padausdos na ang mga taripa ng bansa simula pa noong maagang bahagi ng dekada ‘90. (Tingnan ang graph)

Source: Ibon Foundation

Katunayan, mas maliit pa ang taripang ipinapataw ng Pilipinas sa inaangkat nitong mga produkto, kaysa sa minimum na taripang itinatakda ng WTO. (Tingnan ang table) Ibig sabihin, mas mabilis pa sa ninanais ng mauunlad na bansa ang pagliliberalisa ng gobyerno sa ating industriya at agrikultura.

Sa ngayon, dahil sa QRs, may minimum na limitasyon ang pag-angkat ng bigas na 350,000 MT kada taon. Ngunit ang gobyerno ng Pilipinas ang kusang lumalabag  dito: noong 2010, nag-angkat ang bansa ng 2.4 Milyong MT ng bigas. Tila balewala sa gobyerno maging ang mga konsensyon ng WTO para protektahan ang sariling ekonomiya, ang sariling mga magsasaka.

Pagbaklas sa WTO

Pinaniniwalaang ginagamit ng mauunlad na bansa ang WTO at mga multilateral at bilateral na FTA para puwersahin ang mahihirap na bansa na tanggalin ang mga proteksiyon o suporta ng gobyerno sa sariling industriya at agrikultura. “Ngunit sila mismo, gaya ng US, hindi sinusunod ang mga kasunduan. Nananatiling mataas ang mga subsidyo ng kanilang gobyerno,” ani Africa.

Sa datos ng US DA, lumalabas na umaabot sa US$ 234.7 kada ektarya kada taon ang direktang subsidyong ibinibigay ng gobyernong US sa mga Amerikanong magsasaka. Bukod pa ito sa samu’t saring pautang, subsidyo sa enerhiya, at subsidyo sa irigasyon na umaabot sa USD $210 Milyon kada taon.

Samantala, nananatiling atrasado ang agrikultura, at salat sa suporta ang mga magsasakang Pilipino. “Walang irigasyon ang may 1.3 milyong ektarya ng palayan. Tatlo sa apat na magsasaka ang walang sariling kapital, bukod pa sa walang sariling lupa…Kung gusto ng gobyerno ng food security o self-sufficiency, dapat palakasin ang lokal na produksiyon,” ayon kay Anakpawis Rep. Rafael Mariano.

Sang-ayon dito si Africa. Kahit pa dinggin ng WTO ang petisyon ng Pilipinas na palawigin ang QRs sa bigas, “Walang saysay ang mga taripa kung wala namang suporta mula sa gobyerno para sa pagpapaunlad ng ating kakayanan sa industriya at agrikultura,” aniya.

Anakpawis Rep. Rafael Mariano (Ilang-Ilang Quijano)

Para kay Mariano, sa halip na ipetisyon ang ekstensiyon ng QRs, dapat nang kumalas ang bansa sa WTO. “Kung mapapalakas natin ang ating sariling agrikultura at industriya, magkakaroon ng purchasing power ang mga mamamayan. Lalakas ang domestic market, at ‘yun ang magiging leverage natin sa pakikipag-usap sa ibang bansa, sa mga kasunduan na mas patas,” aniya.

Ngunit sa ilalim ng administrasyong Aquino, tila malayong marinig ang panawagang ito. Noong Mayo, itinalaga ng pangulo si Arsenio Balisacan na bagong hepe ng National Economic Development Authority. Noong administrastong Arroyo, si Balisacan ang punong negosyador ng Pilipinas sa WTO at iba pang bilateral na kasunduan, bilang undersecretary ng DA.

Napag-iiwanan ng panahon?

Samantala, paparami nang paparaming bansa ang nagpapatupad ng mga proteksiyunistang hakbang sa ekonomiya.

Ayon sa Centre For Economic Policy Research, simula taong 2008, nagpatupad ang iba’t ibang gobyerno ng 1,055 na proteksiyunistang polisiya sa kanilang ekonomiya. Halos kalahati ng proteksiyunistang mga polisiyang ito ay ipinatupad ng mga bansang kabilang sa G20, o pinakamauunlad na bansa gaya ng US, Germany, Russia, at mga bansa sa Europa.

Hindi na rin totoo ang sinasabi ng gobyerno na “mapag-iiwanan” ang Pilipinas kapag hindi sumunod sa agos ng liberalisasyon. Ayon sa United Nations Conference on Trade and Development World Investment Report, noong taong 2000, nasa 147 o 98 porsiyento ng mga polisiya ang tungo sa liberalisasyon ng ekonomiya, at tatlo lamang tungo sa regulasyon o restriksyon. Pagdating ng taong 2010, nasa 101 na lamang ang tungo sa liberalisasyon, at nasa 48 ang tungo sa regulasyon o restriksyon.

Tinitingnan na dulot ito ng bigong mga pangako ng neo-liberal na ekonomiya. Sa halip na umangat ang kabuhayan at kalidad ng buhay ng mayorya sa mamamayan, tila lalo pang dumami ang mahihirap at nagugutom sa mundo. Samantala, lalo namang nakokonsentra ang yaman sa iilang indibidwal.

“Kaya nga nakapagtataka na heto pa rin si Pangulong Aquino na todo-todo sa liberalisasyon ng ekonomiya. Siya ang totoong napag-iiwanan ng panahon,” ani Africa.


Diskwalipikasyon ng party-list nina Cojuangco, heneral ng HLI masaker, ipinanawagan

$
0
0

2004 masaker sa Hacienda Luisita (File Photo)

Itinutulak ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at election watchdog group na Kontra Daya ang diskwalipikasyon ng mga party-list ng tiyahin ni Pangulong Aquino na si Margarita “Tingting” Cojuangco at ni Quirino Dela Torre, dating pulis heneral na namuno noong masaker sa Hacienda Luisita.

Si Cojuangco ay unang nominado ng Aksyon Magsasaka-Partido Tinig ng Masa, habang si Dela Torre ay unang nominado ng Alliance for Rural and Agrarian Reconstruction, Inc. (Araro). Nirerepresenta umano ng dalawang party-list ang mga magsasaka.

“Ang desperadong tangka ng mga Cojuangco na sumali sa halalang party-list ay korupsiyon at lantarang pambababoy ng sistemang party-list,” ayon kay Willy Marbella, deputy secretary general ng KMP.

Nanawagan ang KMP sa Commission on Elections (Comelec) na kagyat na ibasura ang petisyon para sa rehistrasyon ng dalawang party-list. “Kung hindi, makukuwestiyon ang integridad ng halalang 2013,” ani Marbella.

“Insulto” umano sa mga magsasaka at mamamayang Pilipino na ang isang panginoong maylupa ay magrerepresenta sa mga magsasaka, lalo na at tiyahin siya ng pangulo.

Sinabi rin ng KMP na ang nominasyon ni Dela Torre ay dagdag na insulto sa mga biktima ng masaker sa Hacienda Luisita. Si Dela Torre ang hepe ng Philippine National Police Central Luzon nang maganap ang masaker ng 14 na masasaka noong 2004.

Ayon sa petisyon ng Kontra Daya sa Comelec, naging gobernador si Cojuangco ng anim na taon at asawa ni Jose “Peping” Cojuangco, isa sa mga may-ari ng Hacienda Luisita. “Cojuangco has no business representing farmers since she is a big landlord,” ayon sa petisyon.

Sinabi rin ng petisyon na malinaw na hindi bahagi ng sektor ng magsasaka si Dela Torre. “His interest, as proven by his track record is also adverse to the interest of the farmer sector which Araro claims to represent,” ayon sa Kontra Daya.

Nananatili sa kontrol ng pamilya ni Pangulong Aquino ang Hacienda Luisita, sa kabila ng utos ng Korte Suprema noong Abril 24 na ipamahagi ang mahigit 6,000 ektaryang lupa sa mga magsasaka.

Hiniling ng Kontra Daya sa Comelec na idiskwalipika ang 39 na party-list na umano’y hindi totoong nagrerepresenta ng mga mardyinalisadong sektor, at ginagamit ng makakapangyarihang angkan sa pulitika at ekonomiya para lalong palawakin ang kanilang impluwensiya.

Kabilang dito ang Ang Galing Pinoy party-list ni Rep. Mikey Arroyo; Ang Mata ay Alagaan ni Supreme Court Justice Presibitero Velasco; Alliance of Organizations, Networks and Associations of the Philippines, Inc (ALONA) ng kamag-anak ni House Minority Leader Danilo Suarez Jr.; at Alliance of Mindanao Elders at Abante Retirees na ang mga nominado ay kamag-anak ng mga miyembro ng Liberal Party ni Aquino.

Sereno, dapat bantayan ng mamamayan – Bayan

$
0
0

Si Sereno habang nanunumpa kay Pangulong Aquino, bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema. (Malacanang photo)

Nanawagan ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa publiko na maging mapagbantay kaugnay ng pagkakatalaga kay Justice Ma. Lourdes Sereno bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema. Sinabi ng grupo na hindi dapat ipagwalang-bahala ang pagiging malapit ni Sereno sa administrasyong Aquino.

Bagamat lumikha ng kasaysayan si Sereno bilang unang babaeng punong mahistrado, may mga kuwestiyon umano kaugnay ng independensya niya mula sa Malacanang.

Kung ang dating punong mahistradong si Renato Corona ay sinasabing pabor kay Gloria Macapagal Arroyo dahil sa kanyang pagboto, maaari din itong masabi kay Sereno. Ang rekord ng kanyang pagboto ay indikasyon ng kanyang independensya mula sa Palasyo, ayon kay Renato M. Reyes, Jr., pangkalahatang kalihim ng Bayan.

Bukod sa pagiging unang appointee ni Aquino sa Korte Suprema, duda ang Bayan kay Sereno dahil bagamat sang-ayon ito sa pamamahagi ng lupa sa Hacienda Luisita, pabor ito sa mas mataas na balwasyon ng lupa para sa asyendang pag-aari ng pamilya ni Aquino.

Naniniwala ang Bayan na ang opinyon ni Sereno sa umano’y makatarungang kompensasyon para sa Luisita ay pabor sa pamilya ni Pangulong Aquino na siyang nagtalaga sa kanya.

Sinabi pa ni Reyes na maaari pang ibalik sa Korte Suprema ang isyu ng balwasyon ng lupa lalo na kung hindi papabor sa mga Cojuangco-Aquino ang usapin sa mababang korte. Ang kaibahan ngayon, ani Reyes, ay maaaring mas kiling na sa mga panginoong maylupa ang nakaupong punong mahistrado.

“Kaya nararapat lamang na maging mapagmatyag ang publiko at magsasaka kaugnay ng usaping ito,” sabi pa ni Reyes.

Maliban sa usapin ng katarungang panlipunan tulad ng Luisita, kakaharapin din umano ng bagong punong mahistrado ang mga isyu ng karapatang pantao, kalikasan, soberanya at iba pang usaping konstitusyonal.

 

Banta ng ‘muling pagnakaw’ sa pondo ng coco levy

$
0
0

Maliliit na magniniyog gaya ni Mylene Zantua: Hanggang kailan maghihintay bago mabawi ang pondong kanila? (Ilang-Ilang Quijano)

Tila inisip na ng gobyernong Aquino ang lahat ng maaaring gawin sa pondo ng coco levy, maliban sa ibalik ito sa tunay na mga nagmamay-ari nito.

Nariyan ang ilaan ang pondo sa Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (Carper), o sa pagbabayad ng kompensasyon para sa malalaking may-ari ng lupa. Nariyan ang ilagak ito sa programang Conditional Cash Transfer (CCT), o sa pamumudmod ng barya sa mahihirap na pamilya.

Sa kabilang banda, simple lamang ang gusto ng maliliit na magniniyog: ibalik sa kanila ang pondo. At dahil ibinalik na ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa kaban ng bayan nitong Oktubre 5 ang P56.6 Bilyong coco levy fund, simula na naman ang laban ng mga magniniyog para mabawi ito.

Hirap pa rin sa niyugan

Patay na ang ilan sa mga magniniyog na piniga noon ng diktaduryang Marcos para sa buwis na pangunahing ginamit ng kanyang kroni na si Danding Cojuangco Jr. Ngunit hindi pa rin isinusuko ang laban ng kanilang mga anak o apo na karamiha’y mahihirap na magniniyog pa rin. Nananatili silang walang sariling lupa at suporta mula sa gobyerno. Kaya ramdam na ramdam nila ang pangangailangang gamitin ang pondo para sa kanilang kagalingan.

Isa lamang ang magniniyog na si Mylene Zantua na tumututol sa paglaan ng coco levy fund sa Carper. Kahit pa benepisyaryo ng nasabing programa—binigyan ng Certificate of Land Ownership Award noong 2004 para sa dalawang ektaryang niyugan sa San Francisco, Quezon—sa kanyang kwenta ay mababawi rin mula sa kanila ang lupa dahil sa di kakayaning mga bayarin.

Kung imemenos ang mga gastos sa produksiyon, lumalabas na P10,000 kada taon lamang ang kita niya. Bukod sa pagkakaltas ng mga trader ng 15 hanggang 20 porsiyentong resikada, napakababa kung bilhin sa kanila ang kopra. Minsan, aabot lang ito ng P12 kada kilo.

Hindi rin sang-ayon si Zantua na gamitin ang coco levy fund sa CCT. Benepisyaryo nga siya ng nasabing programa, ngunit hindi naramdamang guminhawa dahil sa natanggap na P800 kada buwan (kulang na kulang ito, aniya, sa pagsustento ng limang anak) bukod pa sa itinigil na rin ito sa nakaraang anim na buwan.

Willy Marbella ng KMP, sa koprasang bayan sa Malakanyang noong Oktubre 19 para igiit ang pagbalik ng coco levy fund (Macky Macaspac)

Willy Marbella ng KMP, sa koprasang bayan sa Malakanyang noong Oktubre 19 para igiit ang pagbalik ng coco levy fund (Macky Macaspac)

Dahil hawak ng may-ari ng lupa ang mga sertipiko ng sapi sa Cocounut Industry Investment Fund (CIIF) ng kanyang lolo, wala patunay si Zantua ng pagiging claimant ng pondo. Ngunit sang-ayon siya sa House Bill 3443 ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano, na nagpapanukala ng pagtatayo ng isang Coconut Farmers Fund mula sa coco levy fund, upang gamitin para sa kagalingan ng maliliit na magniniyog. “Dapat gamitin ang pondo para subsidyuhan ng gobyerno ang presyo ng kopra,” aniya.

Sa probinsya pa lamang ng Quezon, tinatayang may 200,000 na maliliit na magniniyog ang nangangailangan ng suporta ng gobyerno.

Itinutulak naman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang kagyat na “cash distribution” o distribusyon ng pondo sa mga claimant. Ayon sa grupo, daan-daang magniniyog na ang tumawag sa kanilang hotline simula nang maibalitang ibinalik na sa National Treasury ang coco levy fund. Nagtatanong sila kung paano makukuha ang kanilang parte—isang tanong na tila walang sagot ang gobyernong Aquino.

Para sa 2013 halalan?

Gaya marahil ng maraming magniniyog na claimant, hawak pa ni Willy Marbella, deputy secretary general ng KMP, ang mga sertipiko ng sapi sa CIIF ng kanyang yumaong ama. Wala naging silbi ang kapirasong mga papel na ito sa mahabang panahon.

Tubong Bikol, nagkokopra na si Marbella simula pa noong nasa elementarya. Nang magbinata, isa siya sa mga unang nag-organisa sa mga magniniyog at nangampanya para itigil ang pagpapataw sa kanila ng di-makatarungang buwis. Nasa P9.7-B ang halaga ng coco levy fund noong pagbagsak ng diktaduryang Marcos. Ngayon, lumobo na ito nang husto, ngunit ni singko ay wala pang naibalik sa kanyang pamilya. “Noong mamatay ang aking ama, pumunta pa ako sa opisina ng Cocofed (Philippine Coconut Planters Association) sa Makati para sana kumuha ng pampalibing. Doon ko nalaman na tinanggal siya sa listahan ng mga miyembro,” ani Marbella.

Ang Cocofed, organisasyon ng malalaking negosyante sa niyog na kinasangkapan ni Cojuangco, ay umaangkin sa coco levy fund sa ngalan ng maliliit na magniniyog. Enero ngayong taon, ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng Cocofed na kumukuwestiyon sa pampublikong pagmamay-ari ng pondo.

Tinataguriang isa itong tagumpay ng maliliit na magniniyog na ipinaglaban ang pondo, sa loob at labas ng korte.

Nakatakda maglabas anumang oras ng mga rekomendasyon para sa paggamit ng coco levy fund ang Presidential Task Force on Coconut Levy, na binuo ni Pangulong Aquino noong Disyembre 2011. Kabilang sa task force ang National Anti-Poverty Commission (NAPC), Department of Agriculture, Department of Agrarian Reform, Department of Finance, at Department of Budget and Management.

Ngunit inihayag na noon pa ni NAPC Sek. Joel Rocamora na gagamitin ang pondo para sa Carper at CCT. Ito ang dahilan kung bakit sumugod sa opisina ni Rocamora sa Quezon City ang may 300 magniniyog nitong Oktubre 16 at 18. “Gusto naming igiit na dapat ibalik sa amin ang pondo at hindi gamitin sa mga programang kontra-magsasaka at kontra-mahihirap,” sabi ni Zantua, isa sa mga sumugod sa NAPC. Sa parehong pagkakataon, hindi sila hinarap ni Rocamora na umano’y wala sa opisina.

Nasirang tarangkahan ng opisina ng National Anti-Poverty Commission, na sinugod ng mga magniniyog para tutulan ang paggamit ng coc levy sa CCT at Carper (Sid Natividad/Bulatlat.com)

Samantala, hindi pa man nagtatagal sa kaban ng bayan ay tinatangka na ng gobyernong Aquino na tapyasan ang coco levy fund. Kamakailan, umalma ang progresibong mga mambabatas sa probisyon sa 2013 General Appropriations Act na naglalaan ng 15 porsiyento ng pondo, o P8.64-B, para sa PCGG at Office of the Solicitor General (OSG), na kapwa nasa ilalim ng Office of the President.

Para umano ang kaltas sa gastos ng dalawang opisina sa pagbawi ng pondo (“recovery expenses”). Ngunit ipinunto ni Kabataan Rep. Raymond Palatino na kasama ito sa tungkulin ng PCGG at OSG at di dapat pinopondohan nang hiwalay. Kahina-hinala pa umano na tinangkang isingit ang ganitong probisyon bago ang 2013 halalan—kahalintulad ng sinubukang gawin ni dating pangulong Arroyo noong 2009, bago ang 2010 halalan.

Hinala rin ng KMP, ang planong paglalaan ng coco levy fund para sa CCT ay may kinalaman sa darating na halalan. Posible umanong gamitin ito ng mga kandidato ni Aquino para makakuha ng mga boto. Babala ni Marbella, “Ang pagkuha sa isang bagay na hindi mo naman pag-aari ay pagnanakaw.”

Daan-daang magsasaka mula sa iba’t ibang probinsya ang nagmartsa tungong Mendiola nitong Oktubre 19 at doon nagsagawa ng koprasang bayan. Ang matagal na pagluluto ng kopra ay simbolo umano ng napakatagal na nilang paghihintay para mabawi ang kanilang pondo. Alam nilang sa paglaban lamang mapapabilis ang pagpapasakamay ito, lalo na sa ilalim ng gobyernong tila may ibang plano.

Protesta vs 40-taon ng (kawalan ng) reporma sa lupa

$
0
0

Limang araw na matagumpay na kilos-protesta ang ginawa ng mga magsasaka mula sa iba’t ibang probinsiya sa ika-40 taon mula nang ipasa ang Presidential Decree 27 na nagtatalaga ng huwad na reporma sa lupa na iniutos diktadurang Marcos noong Oktubre 21, 1972.

Kasama sa isang-linggong serye ng pagkilos ng mga magsasaka ang pagtungo sa Times Street, Quezon City, sa harap ng tahanan ni Pang. Benigno Aquino III; programa para sa mga kabataan, pagkilos laban sa militarisasyon sa Timog Katagalugan; at dalawang beses na tangkang  pakikipagdiyalogo kay Sek. Joel Rocamora sa National Anti-Poverty Commission (NAPC) hinggil sa pondo sa coco levy.

Protesta ng mga magsasaka sa Mendiola, Manila. (Macky Macaspac)

Protesta ng mga magsasaka sa Mendiola, Manila. (Macky Macaspac)

Bago nito, nagkampo ang mga magsasaka sa harapan ng Departamento ng Repormang Agraryo sa Elliptical Road, Quezon City.

“Nailunsad namin ang mga diyalogo sa Department of Agrarian Reform. Napalahok namin ang maraming bilang ng mga magsasaka, na mailantad sa malawak na bilang ng mga progresibo, ang kalagayan ng mga magsasaka na hanggang ngayon, ilang taon na nag nakakaraan, patuloy na walang lupa ang magsasaka…(P)atuloy ang pangangamkam at pagkakait sa amin ng lupang sakahan, at yung mga nagaganap na paglabag sa karapatang pantao,” sabi ni Orly Marcellana, tagapagsalita ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK).

Kaalinsabay ng protesta ng mga magsasakang tumungo sa Maynila, nagrali rin ang mga miyembro ng Alyansa ng mga Magbubukid ng Gitnang Luson (AMGL) at Anakpawis Party-list-Central Luzon (Anakpawis-CL) sa tarangkahan ng Clark Special Economic Zone in Angeles City, Pampanga.

Hiniling ng mga grupo ng mga magsasaka ang pagbasura sa Republic Act 9700 o Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with ‘Reforms’ (Carper). Anila, ginagamit lamang ng mga panginoong maylupa, katuwang ang gobyerno, ang batas na ito para panatilihin ang kanilang monopolyo sa lupa.

Naging pagkakataon na rin ang mga protesta para igiit ang pagpasa sa Kongreso ng House Bill 374 o Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) na isinumite sa Kamara nina Anakpawis Rep. Rafael Mariano at mga kinatawan mula sa Bayan Muna, Gabriela, ACT Teachers at Kabataan Party-list.

Isa pa sa mga pinuruhan ng mga protesta ang pagtalaga ng administrasyong Aquino sa coco levy funds para sa NAPC.

“Naghihirap kami para sa kinabukasan ng aming mga anak at humihiling ng suporta sa gobyerno, para lamang madiskubre kung paano kagahaman ang mga tao na nasa kapangyarihan. Hinahamon namin ang NAPC na magbigay ng tuwirang sagot hinggil sa pera namin,” sabini Mylene Zantua, tagapagsalita ng Pinagkaisang Lakas ng mga Magsasaka sa Quezon (Piglas-Quezon).

Tinutukoy ni Zantua ang pagtutulak ng Presidential Task Force on the Coco Levy Funds sa pangunguna ng NAPC ng “Poverty Reduction Roadmap of the Coconut Industry” na nagkakahalaga ng P11.17-Bilyon na kukunin sa coco levy funds.

Kasama sa gustong pondohan ng NAPC ang “Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)” at implementasyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Matagal nang binabatikos ng militanteng mga magsasaka ang naturang mga programa na bulnerable sa korupsiyon at di solusyon sa matinding kahirapan at pagsasamantala sa bansa.

Samantala, kasama rin sa dinalang isyu ng mga magsasaka ang panawagang ilabas ang P1.33-B proceeds of sales bilang bahagi ng shares ng mga magsasaka sa naibentang lupain ng Hacienda Luisita, Inc., ayon na rin sa desisyon ng mataas na hukuman na ipininal at naging executory noong Abril 24, 2012.

“Ang pamamahagi ng P1.33-B sa mga manggagawang bukid ay sunod na magandang bagay (next best thing) na magagawa ng Cojuangco-Aquino-HLI upang maabot ang hustisyang sosyal bukod pa sa pamamahagi ng lupa sa mga manggagawang bukid,” pahayag ni Rodel Mesa, tagapangulo ng Unyon ng mga Manggagawang Bukid (UMA).

Sa huling araw ng kampuhan, muling tumulak ang mga magsasaka, una sa Times Street, hanggang makarating sa Mendiola.

“Nananawagan ako sa pamahalaan na dapat, napapanahon na, na wakasan ang kontrol ng malalaking panginoong maylupa at debeloper, mga may-ari ng mga rancho at hacienda sa buong bansa na ipamahagi ang lupa sa mga magsasaka at suportahan ang agrikultura upang mapalago at may kakayahan tayong hindi magutom at mailagay sa panganib ang ating bansa,” sabi pa ni Marcellana.

Hangad din nila ang pagbibigay-hustisya sa mga magsasakang naging biktima ng karapatang pantao.

“Sa panig naman ng mamamayan, kami po ay nananawagan na suportahan ang pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa na ipinapanukala sa tulong ng Anakpawis. Sa pamamagitan po nito,  mapapaunlad natin ang paggawa ng mga tunay na programa para sa kagalingan ng mga magsasaka,” pagtatapos ni Marcellana.

Mga larawan nina Darius Galang at Macky Macaspac

8 taon ng masaker sa Luisita: Wala pa ring hustisya at lupa

$
0
0

Hustisya at tunay na reporma sa lupa sa Hacienda Luisita, pilit pang inaabot, walong taon matapos ang masaker (PW File Photo/King Catoy)

Walong taon matapos paslangin sa masaker sa Hacienda Luisita ang kanyang 20-anyos na anak na si Jhayvie, hindi humuhupa, at umiigiting pa nga, ang takot na nararamdaman ni Violeta Basilio.

“Maraming armadong naglilibot dito na naka-bonnet. Hindi umaalis ang mga sundalo, kaya lagi kaming takot,” ayon kay Violeta, residente ng Brgy. Mapalacsiao, isa sa 10 barangay na sakop ng pinakakontrobersiyal na asyenda sa bansa.

Wala pa ring ni isang salarin ang nakakasuhan sa korte at napaparusahan para sa masaker sa Hacienda Luisita. Gayundin, ipinagkakait pa rin sa mga magsasaka ang lupang matagal nang dapat napasakanila.

Pinal na nagdesisyon ang Korte Suprema ngayong taon na ipamahagi sa mga magsasaka ang asyenda ng pamilya Cojuangco-Aquino. Ngunit hindi kabilang ang pamilya Basilio sa preliminary list ng 5,365 na benepisyaryo sa lupa na inilabas ng Department of Agrarian Reform (DAR) nitong Oktubre 31. “Masakit iyon sa kalooban ko dahil siyempre, nagbuwis pa ng buhay si Jhavie,” ayon kay Violeta.

Aniya, orihinal na magsasaka noon sa Luisita ang kanyang mga manugang. Nagtrabaho bilang manggagawang-bukid sa asyenda ang kanyang asawa mula 1963 hanggang sa magkasakit noong 1975. Ang anak na si Jhayvie, nagtrabaho naman sa Central Azucarera de Tarlac bilang tagasala ng asukal.

Si Jhayvie ang pinakabatang biktima ng masaker noong Nobyembre 16, 2004 kung saan pitong manggagawang-bukid ang napaslang nang magpaputok sa piketlayn ang mga militar, pulisya at guwardiya ng asyenda.

Kuwestiyunableng listahan

Protesta sa Mendiola sa ika-8 na anibersaryo ng masaker sa Hacienda Luisita: litrato ni Pangulong Aquino at iba pang miyembro ng pamilya Cojuangco, sinunog (Ilang-Ilang Quijano)

Kahapon, ginunita ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita at kanilang mga tagasuporta ang ika-walong anibersaryo ng masaker. Hindi ito simpleng paggunita, kundi paniningil kay Pangulong Aquino.

“Hanggang ngayon, kontrolado pa rin nila (Cojuangco-Aquino) ang lahat,” ayon kay Violeta. Tinutukoy niya ang militar, korte, at ehekutibong sangay ng gobyerno na aniya’y nagkukutsabahan para ipagkait ang hustisya at tunay na reporma sa lupa.

Sang-ayon dito si Lito Bais, tagapangulo ng United Luisita Workers Union (ULWU). “Ang daming naisama na hindi talaga manggagawang-bukid, at marami rin sa tunay na benepisyaryo ang wala doon sa inilista (ng DAR). Kaya maigiting na paglaban pa rin ang kailangan dito,” aniya sa panayam ng Pinoy Weekly.

Bukod sa mga benepisyaryo na nasa preliminary list ng DAR, mayroon pang 1,222 na nasa provisional list na umano’y kulang pa sa mga dokumento. Ayon pa kay Bais, mayroong mahigit-kumulang 50 na benepisyaryo na wala kapwa sa preliminary at provisional list.

Kabilang dito ang pamilya Basilio, na ani Violeta ay hindi nakasama sa listahan dahil ayaw siya bigyan ng Social Security System (SSS) ng rekord ng pagtatrabaho ng kanyang asawa sa asyenda. “Eh kahit naman ‘yang SSS kontrolado nila,” himutok niya.

Sa kabilang banda, mayroong kuwestiyunableng mga pangalan sa listahan ng DAR. Umano’y isinama ang mga tauhan ng pamilya Cojuangco-Aquino na hindi naman magsasaka o manggagawang-bukid sa lugar, kundi taga-alaga lamang ng kanilang mga kabayo o manok. Tinatanya ng ULWU at  Ambala (Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita) na aabot sa mahigit-kumulang 1,000 ang di-tunay na mga benepisyaryong ito.

“Ang dami naming ipa-file na for inclusion at for exclusion,” ayon kay Bais. Aniya, hindi sila binigyan ng DAR ng advanced copy ng listahan sa kabila ng paulit-ulit na rekwes, samantalang binigyan lamang sila ng hanggang katapusan ng buwan para i-file ang mga mosyon hinggil sa listahan. Dagdag niya, “Ang tanong ko, binigyan nila kami ng deadline, sila kailan ang deadline para i-resolve yung usapin? Hindi naman sila makasagot.”

Para sa ULWU at Ambala, sadyang pinatatagal ng DAR ang pagpapatupad sa desisyon ng Korte Suprema. Maging ang inutos ng korteng pamamahagi sa mga magsasaka ng P1.3 Bilyon na mula sa ibinentang bahagi ng Hacienda Luisita, hindi pa umano napag-uusapan.

Lito Bais, tagapangulo ng United Luisita Workers Union (Ilang-Ilang Quijano)

Sa halip, ang gusto nang pag-usapan ng DAR, ayon sa mga grupo, ay ang amortisasyon ng lupa. “Hindi pa nga napapamahagi ang lupa, nasa usapin na sila ng amortisasyon,” himutok ni Bais.

Nasa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program with Extension and Reforms (Carper) ang pamamahagi ng lupa kaya’t may nakabimbing usapin sa kompensasyon sa pamilya Cojuangco-Aquino at amortisasyon ng lupa para sa mga magsasaka. Sa kabilang banda, iginigiit ng mga magsasaka ang pagbabasura ng Carper at libre at kagyat na pamamahagi ng lupa.

OpBay sa asyenda

Tuluy-tuloy naman ang militarisasyon sa loob ng asyenda. Pinangungunahan ng 3rd Mechanized Infantry Batallion ni Lt. Col. Ernesto Torres, dating tagapagslita ng Armed Forces of the Philippines, ang kontra-insurhensiyang programa na Oplan Bayanihan (OpBay) sa Luisita. Si Torres umano ay isang eksperto sa intelligence at psychological warfare.

Biktima ng red-baiting at panghaharas ng militar ang mga lider ng ULWU at Ambala. Sinusundan sila at inaakusahang mga miyembro ng New People’s Army. Iniinteroga at nirerekrut naman sa Cafgu ang ibang mga residente.

Listahan ng mga tinaguriang martir ng Hacienda Luisita (Ilang-Ilang Quijano)

Hindi lamang ang mga biktima ng 2004 masaker ang naghahanap ng hustisya, kundi ang mga pinaslang matapos nito ng pinaghihinalaang mga puwersa ng estado. Kabilang dito sina konsehal Abel Ladera, lider-magsasaka na si Ben Concepcion, Fr. William Tadena at Bishop Alberto Ramento, at lider-unyon na sina Ricardo Ramos at Tirso Cruz. Pinakahuling biktima ang Dutch na si Willem Geertman noong Hulyo 3. Si Geertman, executive director ng Alay Bayan Luson, ay tagasuporta ng laban ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita.

Sa gitna ng ganitong pandarahas sa ilalim ng OpBay at pagmamaniobra ng pamilya Cojuangco-Aquino para manatili ang kontrol sa lupa, lalong pinanghahawakan ng mga magsasaka ang mga tagumpay na inabot ng kanilang pakikibaka.

Isa na rito ang bungkalan, kung saan inokupahan at tinamnan na ng mais, palay, prutas at gulay ang ilang bahagi ng asyenda. Paggiit ito ng kanilang karapatan, at isang pamamaraan na mabuhay sa gitna ng patuloy na pagkakait sa kanila ng lupa. “Alam namin na ang pakikibaka sa Hacienda Luisita ay ginawang inspirasyon ng lahat ng uring inaapi,” ani Bais.

Para naman kay Violeta, hindi na kailanman mawawala ang pait ng pagpaslang sa anak na si Jhayvie. Ang nais lamang niya, mawala ang matinding takot na bumabalot pa rin sa asyenda, at na makamit na ng mga magsasaka ang hustisya “para naman hindi masabing nagbuwis siya ng buhay sa wala.”

Video: Mga lider-katutubo ng Mindanao, nagmartsa patungong Mendiola para sa karapatang pantao

$
0
0

Nitong nakaraang linggo, serye ng protesta ang nilahukan sa Kamaynilaan ng mga lider-Katutubo mula sa iba’t ibang rehiyon ng Mindanao. Mula sila sa mga lugar kung saan may matinding militarisasyon — na may kalakip na malawakang paglabag sa kanilang mga karapatang pantao. Sa mga lugar ding ito, may nakaambang malawakang komersiyal na pagmimina, pagtotroso o kumbersiyon sa lupa na magtataboy sa mga katutubo at wawasak sa kapaligiran.

Maraming kaso ng pamamaslang, pagdukot, pananakot, tortyur, at iba pang abuso, ang naranasan ng mga mamamayan sa kamay ng militar at iba pang puwersa ng estado na nagpapatupad ng programang kontra-insurhensiya na Oplan Bayanihan.

Nitong Disyembre 10, 2012, pandaigdigang araw ng karapatang pantao, dumulo ang kanilang martsa — kasama ang iba’t ibang sektor mula sa Timog Katagalugan at National Capital Region — sa paanan ng Malakanyang sa Chino Roces (dating Mendiola) Bridge, Manila. Mas malakas nilang inihayag sa Pangulo na kailangang ihinto ang pampulitikang panunupil at ang programang kontra-insurhensiya ng kanyang administrasyon.

Panoorin sa HD (720p).

(Bidyo ni Pher Pasion, Darius Galang at Soliman A. Santos, inedit ni Priscilla Pamintuan)

Post-CARP ‘superbody’ seen to worsen landgrabbing

$
0
0
CARP extension without the Department of Agrarian Reform feared by farmers to exacerbate landlessness (Photo from darpobasilan.blogspot.com)

CARP extension without the Department of Agrarian Reform feared by farmers to exacerbate landlessness (Photo from darpobasilan.blogspot.com)

An inter-agency committee created by President Aquino will ensure another extension of the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), minus the Department of Agrarian Reform (DAR).

In a statement, peasant group Kilusang Magbubukid ng Pilipinas expressed opposition to what it dubs as an “agrarian reform superbody,” which it fears would exacerbate existing landlessness under the government’s “sham” land reform program, which is set to expire on June 30, 2014.

On November 22 last year, Aquino issued Administrative Order No. 34 on “Creating an Inter-Agency Committee on Institutional Arrangements and Rural Development.” AO 34 aims to “ensure that the gains of CARP are sustained” through a committee headed by the National Economic Development Authority (NEDA).

The committee is tasked “to conduct a study on the continuity of land distribution and management as well as provision of support services for the agriculture and fisheries sectors.”

Under AO 34, DAR’s functions will be transferred to the Department of Agriculture, who will become part of the committee. Other member agencies include the Department of Environment and Natural Resources, Department of Justice, Department of Budget and Management, and the Land Registration Authority.

“With the NEDA at the helm of this superbody, Philippine agrarian reform will be in tune with Aquino’s Private-Public Partnership scheme and the full-scale liberalization of agriculture,” said Antonio Flores, KMP spokesperson.

NEDA, the country’s economic development and planning agency, pushes for liberalization policies and oversees privatization schemes across different sectors.

Flores added that under a “landlord president,” referring to Aquino whose family owns Hacienda Luisita, the superbody will only cause the “acceleration of land-use conversions, proliferation of land lease deals, and massive displacement of farmers.”

He said that Aquino cannot afford to completely abandon CARP, and would rather extend it and “exploit its provisions to evade the distribution of Hacienda Luisita and other vast landholdings in the country.”

AO 34 also stresses upon the role of the local government in providing agricultural extension services.

The peasant leader, however, said that “the Local Government Code is among the main culprits in the rampant conversion of agricultural lands.”

Flores further noted that AO 34 is the realization of the “long-planned convergence” of the departments of agrarian reform, agriculture, and environment and natural resources offices.

“It will make the government’s agrarian reform program far more brutal and anti-peasant,” he said.

KMP is calling for the junking of CARP, which has been used by landlords for several decades to evade land distribution. It is instead pushing for the enactment of the Genuine Agrarian Reform Bill (GARB), which seeks the free distribution of lands to the tillers. GARB or House Bill 374 is authored by KMP chairperson and Anakpawis Rep. Rafael Mariano.


Video: On its 26th year, Mendiola Massacre survivors continue fight for land

$
0
0

miriam villanueva2 Watch two of the most compelling speakers during the 26th anniversary  commemoration of the Mendiola Massacre at Mendiola Bridge, Manila last January 22. Miriam Villanueva was 17 years old during the massacre, a survivor who cannot forget that fateful day. Justine is the granddaughter of a peasant leader, a young activist who represents how the unfulfilled demand for land reform fuels the next generation’s struggle. Watch the video in HD (720p).

Shot by King Catoy, Edited by Ilang-Ilang Quijano

Photos of Mendiola Massacre by Ramon Acasio

 

Farmers to CBCP: Support free land distribution, not Carper

$
0
0
Pag-ani ng palay sa bahagi ng Luisita na inaangkin ng RCBC. (KR Guda)

Hacienda Luisita farmers are still asserting free distribution of land (PW File Photo/KR Guda)

The Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) is right to observe that the Department of Agrarian Reform (DAR) has been dismal in carrying out land reform, farmers under the Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura (UMA). However, they urged bishops to support the free distribution of land instead of the Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (Carper).

Recently, the CBCP urged President Aquino to fully implement Carper and revamp the leadership of DAR.

“It’s almost a year now since the Supreme Court decided on the distribution of land to farmer worker beneficiaries (FWBs) in Hacienda Luisita. But up to now this has not come into fruition because of the maneuvers of DAR in tandem with the Cojuangcos and Aquinos to delay and sabotage the process,” said UMA in a statement.

Recently, the DAR announced that it would come out with a final list of FWBs by this month. UMA however said that this list includes a number of non-bonafide FWBs, including those working as the Cojuangco’s stable hands and in supervisory positions in HLI.

“The DAR has ignored the demand of our organization, together with Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita and United Luisita Workers Union, to recognize only the 1989 MOA Voters List of 5,276 FWBs as its basis to pinpoint bonafide beneficiaries,” UMA stated.

According to UMA, the main culprit is the Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (Carper). “Carper’s Section 5 stipulates that landlords have the power to choose the beneficiaries and provide very rigid requirements that are also dependent on the landlords,” the group said.

Carper also stipulates that land reform beneficiaries will have to pay monthly amortization.

In a statement, Sentra, counsel for Hacienda Luisita farmers and several other farmers’ groups, also dared the Catholic bishops to re-examine their position on Carper, which  it claims is “the source of misery and destitution of farmers.”

“It is not Secretary Virgilio De los Reyes or the DAR’s leadership which is the problem but Carper. Carper comprehensively exempted vast tracts of agricultural lands from the agrarian reform program. So what will DAR distribute when the law says they have nothing more to distribute because those lands were outside the ambit of the program?” said Atty. Jobert Pahilga of Sentra.

Vast tracts of agricultural lands excluded from coverage under CARP remain excluded under Carper, said Sentra.

He added that Carper did not also do away with the Department of Justice Opinion No. 44. DOJ 44 is allegedly a “nail in the coffin of farmers,” as it provides that those agricultural lands already reclassified into other uses before the effectivity of CARP are excluded from coverage and may even be converted into residential, industrial and commercial use without the need of a DAR conversion order.

“As a matter of fact, under Carper, even those lands which were already distributed to the farmers may revert back to the hands of the landowners for various reasons such as non-payment of amortization,” said Pahilga.

Both UMA and Sentra asserted that land distribution to farmers should be for free. “Otherwise, the farmers will lose the lands again to the hands of the moneyed few,” Pahilga said.

“We fervently hope that the CBCP will support the FWBs in HLI in their struggle to finally get back their lands for free and attain social justice,” UMA meanwhile said.

Distribusyon ng CLOA sa Bondoc Peninsula, ‘pakitang gilas’ lamang

$
0
0
Kasabay ng militarisasyon sa Bondoc Peninsula ang umano'y panlilinlang sa mga magsasaka (Kuha sa mercy mission sa Quezon noong nakaraang taon/PW File Photo/)

Kasabay ng militarisasyon sa Bondoc Peninsula ang umano’y panlilinlang sa mga magsasaka (Kuha sa mercy mission sa Quezon noong nakaraang taon/PW File Photo)

Isang engrandeng “publicity stunt” lamang ang distribusyon ng mga Certificate of Land Ownership Award (CLOA) sa mga magsasaka sa Bondoc Peninsula, ayon sa mga grupong magsasaka na naniniwalang ginawa ito ng gobyernong Aquino para pabanguhin ang umano’y bangkaroteng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (Carper). Naghihinala ring silang ginagamit ito ng ilang matataas na opisyal para sa darating na eleksiyon.

“Gusto man naming paniwalaan ang sinseridad ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Virgilio Delos Reyes sa pamamahagi ng CLOA sa mga magsasaka sa mga niyugan ng Quezon, hindi maiaalis sa amin na ituring itong pagpapakitang-gilas lamang,” pahayag ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK).

Kahapon, ginawaran ng mga CLOA ang mga magbubukid sa 480 ektarya ng niyugan sa mga bayan ng San Narciso, Buenavista at San Andres sa Quezon, sa isang seremonya na pinamunuan ni Delos Reyes, Sec. Prospero Alcala ng Department of Agriculture, at Sec. Joel Rocamora ng National Anti-Poverty Commission at Task Force on Coco Levy Funds.

“Ang pamilya ni Alcala ay magtatakbuhang gobernador, kongresista at meyor sa Quezon. Kailangan nila ang papoging kagaya nang naganap kahapon,” sabi ng Kasama-TK.

Kinuwestiyon din ng grupo ang presensiya ni Rocamora. “May interes siya sa coco levy funds,” ayon sa grupo, na inaakusahan ang dating lider ng Akbayan na gagamitin ang pondo ng mga magniniyog para sa kanyang partido, na tumatakbo sa eleksiyong party-list at may kandidato sa pagkasenador.

Ipinunto rin ng Kasama-TK ang rekord ng DAR na “bigay-bawi” ng CLOA. “Alam ni Sec. Delos Reyes ang katotohanang ito,” dagdag ng grupo.

Ayon naman sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), walang bago sa pamimigay ng gobyerno ng CLOA, na umano’y isang kapirasong papel lamang. “Ang ibig sabihin lang nito, kailangan magbayad ang magbubukid sa gobyerno sa loob ng 30 taon kahit wala talagang kaseguruhan na mapapasakanila ang lupa,” ayon kay Randall Echanis, pangkalahatang kalihim ng KMP.

Ipinunto ni Echanis na ang di-pagbayad ng amortasisyon ang isa rin sa mga nagiging batayan para bawiin ang CLOA.

Binalikan din ng lider-magsasaka ang distribusyon ni dating pangulong Joseph Estrada ng mga CLOA sa asyenda ni Eduardo “Danding” Cojuangco Jr. sa Negros noong 1998, at distribusyon  ng mga CLOA ni  dating pangulong Gloria Arroyo sa Misamis Occidental (2002) at Nueva Ecija (2008), na wala umanong kinahinatnan.

Sa pag-aaral pa ng Ibon Foundation, mayroong mahigit 2,000 na Emancipation Patent at CLOA, na sumasakop sa 380,000 ektarya ng lupa, ang kinansela noon lamang 2004.

Kinansela rin ng DAR ang mga CLOA na sumasaklaw sa libu-libong ektarya ng lupa, gaya ng sa Hacienda Looc sa Nasugbu, Batangas; at Hacienda Araneta sa San Jose Del Monte, Bulacan, ayon sa KMP.

“Malinaw na ang pamamahagi ng CLOA sa Hacienda Reyes sa Quezon ay isang last-ditch effort para isalba ang Carper at linlangin ang mga magsasakang Pilipino,” sabi ni Echanis.

Samantala, inireklamo rin ng Kasama-TK na mga miyembro ng Cafgu (Civilian Armed Forces Geographical Unit) ang mga kasapi ng Kilusang Magbubukid ng Bondoc Peninsula (KMBP), alyadong organisasyon ng Akbayan, na nakatanggap ng mga CLOA. “Katulong (sila) ng Philippine Army sa pandarahas sa mga magsasakang hindi sang-ayon sa CARP,” ayon sa Kasama-TK.

Nagpapatuloy umano ang matinding militarisasyon at mga paglabag sa karapatang pantao sa Bondoc Peninsula, na kinakampanya ng iba’t ibang grupo simula pa noong nakaraang taon.

Video: ReCLAIM: Farmers in pursuit of the coco levy funds

$
0
0

coco levy farmers protestCoconut farmers recently formed a group, CLAIM (Coco Levy Funds Ibalik Sa Amin), to demand the return of the multi-billion peso coco levy funds that were extracted from small farmers during martial law.

Late last year, P56 Billion of the coco levy funds were remitted to the National Treasury. The Aquino administration formed the Presidential Task Force on Coco Levy Funds headed by National Anti-Poverty Commission (NAPC) to administer the funds.

But farmers say that the funds are in danger of being corrupted by government officials and used for other purposes, such as the Conditional Cash Transfer and the “bogus” Comprehensive Agrarian Reform Program.

This video documents a three-day protest of coconut farmers, including a siege of the NAPC office, to underscore their demands. They are proposing the creation of a council composed of small coconut farmers, which will allow them to administer the funds themselves.

Skeptisismo pa rin sa Hacienda Luisita

$
0
0
Mga magsasaka ng Hacienda Luisita, tinitingnan ang kanilang pangalan sa pinal na listahan ng benepisyaryong inilabas ng Department of Agrarian Reform noong Pebrero 27. (Ilang-Ilang Quijano)

Mga magsasaka ng Hacienda Luisita, tinitingnan ang kanilang pangalan sa pinal na listahan ng benepisyaryong inilabas ng Department of Agrarian Reform noong Pebrero 27. (Ilang-Ilang Quijano)

Nang i-turnover ni Department of Agrarian Reform (DAR) Sek. Virgilio de los Reyes ang listahan ng mga benepisyaryo ng lupa sa Hacienda Luisita sa covered court ng Brgy. Mapalacsiao, mga hiyaw ng galit, sa halip na tuwa, ang sumalubong sa kanya.

Dahil dito, hindi natuloy ang inaasahan ng mga magsasaka na “publicity gimmick” ng DAR. Nang magsimulang maghiyawan ang mga magsasaka, bumalik na lamang sa mga sasakyan si de los Reyes at mga tauhan ng DAR. Bago nito, nag-press conference na ang DAR sa isang malapit na hotel para ianunsiyo sa midya ang paglabas ng listahan.

Paliwanag ni Lito Bais, tagapangulo ng United Luisita Workers Union (ULWU), gusto sana nilang makapagsalita muna ang DAR, bago igiit ang kanilang hiling na libreng pamamahagi ng lupa. “Kaso agitated na ‘yung mga tao. At ayaw na rin niyang (de los Reyes) makinig sa amin,” aniya.

May dahilang magalit si Rafael Marquez, 59, residente ng Brgy. Bantog. Ipinanganak siya sa asyenda at nagsimulang magtrabaho rito noong 1970. Mga tenanteng magsasaka rin ang kanyang mga ninuno.

Kahit tatlong beses siyang ininterbyu ng mga tauhan ng DAR, “hindi pa rin nila ako isinama listahan,” malungkot niyang sinabi.

Napaluha rin si Rebecca Santos, 46, nang makitang wala sa listahan ang kanyang pangalan. Kasama siya sa 1989 Stock Distribution Option (SDO) referendum na tinataguriang master list ng mga benepisyaryo, at may homelot pa para patunayan ito. Tubong asyenda rin ang kanyang mga ninuno.

“Hindi sana ganoon kasakit sa loob ko kung ‘yung mga hindi dapat nasa listahan ay wala. Kaso ang daming nandoon na hindi naman dapat. Samantala kaming nakipaglaban, wala,” himutok niya.

Naganap ang turnover ng listahan sa covered court ng Brgy. Mapalacsiao (Ilang-Ilang Quijano)

Naganap ang turnover ng listahan sa covered court ng Brgy. Mapalacsiao (Ilang-Ilang Quijano)

Kuwestiyunableng listahan

Kinukuwestiyon ng mga grupong magsasaka ang listahan ng DAR na nakabatay sa listahan na umano’y pinalobo ng manedsment ng Hacienda Luisita, Inc. (HLI). Ang 5,176 na benepisyaryong kasama sa 1989 SDO referendum ang nais lamang na kilalanin ng ULWU at Ambala (Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita). Ngunit kinilala ng Korte Suprema sa desisyon noong 2011 ang 6,296 na benepisyaryo na iginigiit ng HLI. Nasa 6,212 dito ang bumuo sa pinal na listahan ng DAR.

Ayon sa DAR, nakabatay ang kanilang listahan sa master list, mga interbyu, dokumentong isinumite ng mga magsasaka, at rekord ng HLI sa Social Security System (SSS).

Ngunit ayon sa ULWU at Ambala, itinigil ng HLI ang pagbabayad sa SSS mula 1985 hanggang 1990. “Saan nagmula ang dagdag na 1,000 pangalan?” anila.

Gayunpaman, opisyal na naghain lamang ng exclusion ang mga grupo sa walong tao na kilalang mga bisor at “loyalista” ng HLI: sina Windsor Andaya, Noel Mallari, Julio Suniga, Eldie Pingol, Engr. Rizalino Sotto at Brgy. Capt. Edgardo Aguas.

Paliwanag ni Bais, para hindi “mag-away-away” ang kanilang hanay (gaya ng hinahangad ng manedsment), pinalampas na nila ang iba pang isinama sa listahan ng DAR na tauhan ng HLI, gaya ng mga kasambahay ng pamilya Cojuangco.

Ngunit hindi pa rin napigilan ng mga magsasakang nagbabasa ng listahan na tukuyin kung sinu-sino ang sa tingin nila’y hindi tunay na benepisyaryo: “Labandera ito ng mga Cojuangco,” sabi ng isa, sabay turo sa isang pangalan.

Sinikap din ng ULWU at Ambala maisama sa listahan ang mga miyembrong hindi nakasama sa inisyal na listahang inilabas ng DAR noong Oktubre 2012. Ngunit kahit isa sa 16 na ipinetisyon nila para sa inclusion, hindi ipinasok ng DAR.

Matagal pang laban

Sinasabi ng pamilyang Cojuangco na “nirerespeto” nila ang desisyon ng Korte Suprema, habang sinasabi naman ng DAR na ginagawa nito ang lahat para maipatupad na ang desisyon.

Rafael Marquez, 1970 pa nagtatrabaho sa asyenda, pero di kasama sa listahan (Ilang-Ilang Quijano)

Rafael Marquez, 1970 pa nagtatrabaho sa asyenda, pero di kasama sa listahan (Ilang-Ilang Quijano)

Ngunit taliwas dito ang kanilang ginagawa, ayon sa mga magsasaka.

Sa isang pulong ng DAR, manedsment ng HLI, kompanyang magsa-sarbey ng lupa, at mga lider ng ULWU at Ambala noong Pebrero 21 sa Max’s Restaurant, Luisita Park, sinabi ni Peping Cojuangco na hindi siya makapapayag na isarbey ang lupa hangga’t hindi sila nababayaran ng gobyerno ng kompensasyon.

Isa sa maraming natitirang usapin sa pamamahagi ng lupa sa Hacienda Luisita ang kompensyasyon–iniwan ito ng Korte Suprema sa pagpapasya ng DAR. Ayon sa mga magsasaka, dapat ibatay ito sa halaga ng lupa noong 1989, habang iginigiit naman ng HLI na ibatay ito sa mas mataas na halaga ng lupa noong 2004.

Isa lamang ang kahulugan ng pahayag ni Cojuangco, tiyuhin ni Pangulong Aquino: “Matatagalan pa ito. Siyempre, hangga’t hindi nakakapagsarbey ng lupa, hindi mailalabas ang mga CLOA (Certificate of Land Ownership Award),” ayon kay Bais.

Ngunit karamihan sa mga magsasakang nakapanayam ng Pinoy Weekly ang hindi kampanteng makita lamang ang kanilang pangalan sa listahan, o kahit mabigyan pa ng CLOA.

“Siguro hindi ako matutuwa hangga’t hindi pa talaga mabibigay ang lupa,” ayon kay Remedios Viedan, 59.

Isa si Viedan sa maraming magsasaka na napilitang iparenta ang lupa sa mga nagtatanim ng tubo, dahil sa kagipitan at tagal ng pamamahagi nito ng gobyerno. Karamihan sa mga rumerenta o pinagsanglaan ng lupa ay mga tauhan ng HLI–ito ang naging paraan ng kompanya para panatilihin ang kontrol sa asyenda.

“Pero hindi ko na ire-renew ang kontrata (sa renta),” aniya, tila nabubuhayan ang loob sa paglabas ng listahan ng DAR.

Iba pang maniobra

Napipilitang parentahan o isangla ng mga magsasaka ang kanilang lupa para sa mga tubuhang pag-aari ng mga tauhan ng HLI. (Ilang-Ilang Quijano)

Napipilitang parentahan o isangla ng mga magsasaka ang kanilang lupa para sa mga tubuhang pag-aari ng mga tauhan ng HLI. (Ilang-Ilang Quijano)

Ngunit hindi nauubusan ng maniobra ang pamilya Cojuangco. Inihayag ni de los Reyes kamakailan na ibabawas pa sa 4,335-ektaryang lupa na ipinagkaloob sa mga magsasaka ang mga pampublikong lupa gaya ng kalsada at kanal ng irigasyon.

“Sinabi niya (de los Reyes) na napagkasunduan ito sa isang inspeksiyon noong Pebrero 14. Hindi iyon totoo. Naroroon si Peping (Cojuangco) kaya hindi kami sumama (sa inspeksiyon),” paglalahad ni Bais.

Ipinagkaloob din ng DAR sa manedsment ng HLI ang pagtatakda ng criteria o pamantayan sa pagpili ng auditing firm para sa P1.33 Bilyon mula sa pagbenta ng mahigit 500 ektarya ng lupa sa asyenda, na inutos ng korte na ibalik sa mga magsasaka.

Kinuwestiyon ito ni Bais: “Bakit sila ang magtatakda, eh para sa amin ang pera?”

Naghain na ang ULWU at Ambala ng diskwalipikasyon sa auditing firm na Reyes Tacandong & Co., na karamihan sa mga opisyal ay dati umanong nagtatrabaho sa SGV & Co. Philippines, ang auditing firm ng HLI.

Libreng pamamahagi

Iginigiit pa rin ng mga magsasaka ang libreng pamamahagi ng lupa. Umano’y ito ang tanging paraan para masigurong hindi maibabalik lamang ang lupa sa kamay ng pamilya Cojuangco.

Sa kanilang kwenta, kung matutupad ang P1 Milyon kada ektarya na kompensasyon sa lupa, sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (Carper) ay mangangahulugan na babayaran ito ng magsasaka ng P700,000.

“Sa ilalim ng Carper, 30 percent lang ang subsidy ng gobyerno. Eh kahit nga sabihin pa nating 50 percent ang subsidy, saan kukunin ng mga magsasaka ang kalahating milyon? Eh ‘di babalik lang ulit sa kanila (mga Cojuangco) ang lupa,” sabi ni Bais.

Marami ang naghihimutok sa pagsama sa listahan ng mga tauhan ng HLI (Ilang-Ilang Quijano)

Marami ang naghihimutok sa pagsama sa listahan ng mga tauhan ng HLI (Ilang-Ilang Quijano)

Dagdag pa niya, “Ang swerte naman ng mga Cojuangco. Napasakanila ang lupang ito noong 1957, ang ipinambayad, pera ng gobyerno. Ngayon, ibabalik sa atin ang lupa, babayaran na naman sila ng gobyerno. Ang swerte nila!”

Nakasaad pa sa Carper na maaaring bawiin ang CLOA kapag tatlong taon nang hindi nakakabayad ng amortisasyon ang mga magsasaka. Ngayon pa lang, marami nang magsasaka na ang nagpaparenta o nagsasangla ng lupa sa halagang P3,000 hanggang P10,000 lamang, nang dahil sa hirap.

“Habang nandiyan ang Carper na ‘yan, hindi matutupad ang tunay na reporma sa lupa,” sabi ni Bais.

Kaya naman patuloy na pinanghahawakan ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang “bungkalan” o kolektibong pagbubungkal ng lupa, isang porma ng paggiit ng kanilang pag-aari rito.

Sumali sa bungkalan simula noong 2005 si Marquez. Hirap man dahil walang suporta ng gobyerno, masaya siya sa pagtatanim sa lupa na itinatrato niyang kanya. “Mas gusto ko ang palay kaysa tubuhan. Noon, ang kita ko ay P100 lang sa isang linggo dahil dalawang beses lang ako pinagtatrabaho,” aniya.

Wala man siya sa listahan ng DAR, naniniwala siyang hindi siya pababayaan ng kanyang mga kasamahan sa tila matagal-tagal pang laban para maibalik sa kanila ang lupa.

Viewing all 99 articles
Browse latest View live


Latest Images

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>